SSS Pension Booster Plan, tinalakay sa B’yaheng Kapitolyo

Resolution No. 965, Provincial Ordinance No. 013 Year 2024 – PROVIDING FOR THE PASSAGE OF AN ORDINANCE APPROVING THE AMENDMENT TO THE TERM LOAN AGREEMENT WITH THE DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES
July 8, 2024
Child Development Workers itinatampok, sinusuportahan ng Batangas Capitol
July 11, 2024

July 11, 2024

Hinikayat ni Ginang Regina Precilla, Regional Communication Officer mula sa Luzon South Division II ng Social Security System (SSS) ang mga Batangueño tungkol sa “My SSS Pension Booster Plan” sa mga nagnanais mag-invest para sa kanilang retirement.

Sa panayam niya sa B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pang-radyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, noong ika-5 ng Hulyo 2024, ipinaliwanag ni Precilla na ang My SSS Pension Booster Plan ay isang karagdagang layer of security para sa mga miyembero na hinati sa dalawang programa, ang Mandatory at Voluntary My SSS Pension Booster Plan.

Ang mandatory My SSS Pension Booster ay naaangkop aniya sa mga empleyado na nakita ng halagang ₱20,000 pataas, habang ang Voluntary My SSS Pension Booster naman ay angkop sa lahat ng mid to high income earners na nagnanais na mamuhunan para sa kanilang pension.

Magiging mabisa ito sa unang buwan ng kontribusyon, sa Voluntary, kinakailangan magbigay simula sa halagang ₱500 at sa Mandatory naman ay nagsisimula sa ₱70 – 1000 kada buwan na maaring bayaran online o over the counter. Dagdag pa ni Ms. Precilla, maaari din itong humigit batay sa kakayanan ng miyembro at sa kaniyang kita.

Binuo ang My SSS Pension Booster plan upang magkaroon ng opsyon ang mga nagnanais mag-miyembro para sa kanilang pagreretiro, na maaari ring makuha kung sakaling magkaroon ng pangangailangan ang isang miyembro.

Nabanggit din ni Precilla na maaaring pa rin magmiyembro kahit sila ay 59 years old na sapagkat ang basehan ng SSS ay ang halaga ng kontribusyon ng miyembro at ang taon ng tinakbo ng interest ng principal contribution, ngunit kinakailangang punan ang 120 buwan o 10 years na kontribusyon upang makuha ang benepisyo.

Kung sadyang miyembro na, sila ay maaaring magtingin ng kanilang nakaraang estado at mag-update upang maipagpatuloy ang kontribusyon. Sinigurado niya na ang SSS ay government guaranteed at tax free kaya sila ay tapat at maaasahan.

Sa mga nag nanais mag-miyembre sa My SSS Pension Booster Plan. I-scan lamang ang QR Code na ito:

Almira Elaine F. Baler – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.