Special Mass Vaccination para sa mga Responders, Evacuees, at Kalapit na LGUs sa Batangas, Isinagawa

Request for Quotation – PURCHASE OF 500 UNITS OF BEDS FOR DISTRIBUTION TO DIFFERENT QUARANTINE ISOLATION/FACILITIES IN THE PROVINCE OF BATANGAS
July 14, 2021
Duhatan Bridge Ground Breaking Ceremony sa Calatagan, Isinagawa
July 17, 2021

July 16, 2021

Tinaguriang isang tagumpay para sa vaccination program ng Lalawigan ng Batangas ang isinagawang pagbabakuna sa mga 1st responders, evacuees, at mga nakatira sa mga karatig na Local Government Units ng mga bayan sa baybayin ng Lawa ng Taal noong ika- 16 ng Hulyo sa DREAM Zone Vaccination Hub sa Provincial Capitol Compound, sa Lungsod ng Batangas.

2,000 na katao ang tumanggap ng kanilang unang bakuna, kabilang ang mga responders, partikular ang mga kasapi ng Philippine National Police, Batangas Bureau of Fire Protection, mga emergency and relief operations workers, gayundin ang mga nasa designated evacuation centers.

Binigyang-prayoridad ang mga ito bilang pagpapahalaga sa kalusugan ng mga vital personnel na gumaganap ng kanilang tungkulin sa Taal Volcano disaster management and relief operations na nagsimula pa noong ika- 1 ng Hulyo ng kasalukuyang taon.

Kabalikat ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa mahalagang programang ito ang Department of Health (DOH), kasama ang Batangas Provincial Health Office, Batangas Province Inter-Agency Task Force Against COVID-19, DOH – Batangas Province, Batangas Medical Center at iba pang partner medical agencies.

Ang mga nasabing ahensya ay tulong-tulong sa pagsasakatuparan ng vaccination procedures, mula sa registration, primary screening and verification, at medical evaluation, hanggang sa mismong pagtuturok ng bakuna. Sa nasabing bakunahan, naging mahigpit rin ang pagpapatupad ng standard health protocols, tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at pagpapanatili ng social distancing.

Sa mensahe ni Governor DoDo Mandanas, pinasalamatan niya ang NTF at DOH, pati na rin ang ilang mga opisyal na kumatawan sa pamahalaang nasyunal at nakiisa sa isinagawang programa, na kinabibilangan nina Presidential Spokesperson Harry Roque at NTF Deputy Chief Implementer and Testing Czar Vince Dizon, na pawang kinilala ang kahalagahan ng mga Batangueño frontliners.

“Sa panahong kinakaharap ng lalawigan ang isa na namang posibleng pagsubok, importante na masiguro ang kalusugan ng mga Batangueño frontliners na prominenteng gumaganap sa kaayusan ng mga relief operations, gayundin ang mga vulnerable sectors,” sambit ni Governor Mandanas.

Ipinunto pa ng gobernador, buong kakayahan aniyang gagampanan ng pamahalaang panlalawigan, kasama at katulong ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa palibot ng Taal Volcano Island, ang mga itinakda nitong tungkulin nang hindi na lumala pa ang epekto ng pandemya sa mga nasabing lugar.

Samantala, naging bahagi rin ng programa ang presentasyon ng ResBAKUNA awareness at promotional song ng lalawigan. Maipagmamalaki na isa ang Batangas Province sa mga unang nag-compose ng jingle na naglalayong mas mapalakas pa ang kampanya sa pagbabakuna laban sa COVID-19 virus.

Edz Zabarte / Photos: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.