September 10, 2019
Kaugnay ng patuloy na pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran, magkakasamang nagtanim ng mga mangrove seedlings ang mga miyembro ng Soroptomist International Ka-Batangueña, Girl Scouts of the Philippines ng University of Batangas, 2019 Mrs. Philippines Batangas winners, at mga local government officials noong ika-7 ng Setyembre 2019 sa baybayin ng Brgy. Malitam, Batangas City.
Ang proyektong mangrove planting ay pinangunahan ng Soroptomist International Ka-Batangueña, sa pangunguna ng pangulo nitong si 5th District Senior Board Member Claudette Ambida-Alday, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.
Ayon kay Board Member Ambida-Alday, “We do this to contribute to the community and take care of the environment.”
Nakiisa rin sa aktibidad sina Batangas City Councilors Aileen Ariolla Montalbo at Alyssa Cruz Atienza, at mga opisyales ng Brgy. Malitam.
Junjun Hara De Chavez, Photo: Eric Arellano