SIKAT SI KAP Inter-Town Basketball and Volleyball Tournament, muling binuksan

Bagong Nutrition Program Evaluation Tool para masukat ang implementasyon ng LGUs, ipinatutupad
October 18, 2019
Lalawigan ng Batangas, 3rd Richest Province sa Pilipinas noong 2018
October 21, 2019

October 21, 2019

Muling binuksan ang SIKAT SI KAP Inter-Town Basketball and Volleyball Tournament ng Unang Distrito ng Lalawigan ng Batangas sa Calaca Gymnasium, Calaca, Batangas noong ika-18 ng Oktubre 2019.

Ang sports tournament ay isinasagawa sa pangunguna ng Tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) – Youth and Sports Division, sa pamamagitan ni Gov. DoDo Mandanas, inisyatibo ni 1st District Board Member JunJun Rosales at pagtugon ng Liga ng mga Barangay.

Host ng palaro ngayong taon ang Bayan ng Calaca, sa pangunguna ni Mayor Sofronio “Nas” Ona. Nagpasalamat si Mayor Ona at malugod na tinanggap ang mga kalahok sa kanilang bayan.

Layunin ng SIKAT SI KAP Tournament na magkaroon ng magandang samahan ang mga Punong Barangay ng bawat bayan at iba pang mga namumuno dito. Ilan sa mga positibong resulta ng torneyo ay ang pagkakaroon ng ehersisyo at pagkakataong magkakila-kilala ang bawat manlalaro.

Pormal na binuksan ni Bokal Rosales ang paliga, na, aniya, ay hindi maisasakatuparan kung wala ang tulong at gabay ng pamahalaang panlalawigan.

Tinanghal na Mutya ng Sikat Si Kap 2019 si Ms. Regine De Jesus ng Calaca, 2nd placer si Ms. Stephanie Jane Sabili ng Lemery, at 3rd placer si Ms. Nathalia Garcia ng Lian.

Nakiisa sa programa sina former 1st District Board Member at Sikat si Kap Founder Roman “Boy” Rosales, Sangguniang Kabataan Provincial Federation President at Board Member Maria Louise Gamo-Valle, 1st District Board Member Glenda Bausas, at PACD – Youth and Sports Division Chief Arthur Caguitla.

JunJun Hara De Chavez, Photo: Macvenn Ocampo – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.