Serbisyo Publiko, Galing at Talino ng Kabataan, Tampok sa 2017 PDP CALABARZON Roadshow

Batangas Development Priority programs inilatag sa DILG Alliance Building Dialogue
August 3, 2017
1 Milyong Tilapia Fingerlings Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Mangingisda sa Laurel
August 3, 2017

August 3, 2017

Batangas City – Iba’t-ibang serbisyo publiko at mga aktibidad ang itinampok para sa mga Batangueño sa isinagawang Philippine Development Plan CALABARZON Road Show na may temang “Tayo ng Abutin ang Ambisyon Natin” sa Batangas Provincial Capitol Grounds, Batangas City noong ika-28 ng Hulyo 2017.

Binuksan sa publiko ang sari-saring serbisyo tulad ng libreng Medical and Dental Mission na hatid ng may 22 doktor, 14 na dentist at mga pharmacists na mula sa Provincial Health Office, Department of Health Regional Office IV, Batangas Medical Center at Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command.

Alay din sa publiko ang mga serbisyong hatid ng iba’t-ibang government agencies tulad ng TESDA na nagbigay ng wellness services, kagaya ng libreng masahe at gupit; Public Attorney’s Office at Department of Justice na nagbigay ng libreng legal consultation services; at, Provincial Public Employment Service Office at Overseas Workers Welfare Administration – Regional Welfare Office IV-A (OWWA) na hatid naman ay jobs fair at libreng konsultasyon sa mga livelihood programs ng pamahalaan.

Ipinamalas ng CALABARZON youth ang kanilang galing sa pagtatanghal sa programang Sigaw Kabataan para sa pag-abot ng ambisyon natin na kinatatampukan ng mga pagtatanghal ng mga estudyante mula sa mga State Colleges and Universities sa CALABARZON.

Tinanggap ni Batangas Governor at Regional Development Council (RDC) Chairman Hermilando Mandanas ang mga opisyal at delegasyon ng RDC na kinabibilangan nina National Economic Development Authority Under Secretary for Policy and Planning, Dr. Rosemarie Edillon.

Binigyang-pansin at halaga sa Development Roadshow ang National Development Frame Work ng Philippine Development Plan ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naka sentro sa tatlong haligi ; Malasakit, Pagbabago at patuloy na Pag-Unlad na binalangkas ng mga opisyal ng CALABARZON upang epektibong maihatid sa publiko at maipaganap ang mga programang pangkaunlaran. / Edwin V. Zabarte-Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.