Senior Citizens ng Laurel, Batangas Tinurukan na ng Unang Dose ng Bakuna

Minutes of Pre-Bid Conference for Goods and Infrastructure Projects
April 29, 2021
Laptop para sa Public School Teachers, Patuloy na Ipinamamahagi ng Kapitolyo
May 1, 2021

May 1, 2021

Mga senior citizens, na boluntaryong nagparehistro para mabakunahan sa Bayan ng Laurel, binigyan na ng unang dose ng Sinovac Vaccine noong Lunes, ika-26 ng Abril 2021, ayon sa Municipal Health Officer ng nasabing bayan na si Dr. Ben Garcia.

Bahagi ito sa roll-out ng bakuna na isinasagawa ng Department of Health, kabalikat ang Provincial Health Office (PHO) at Pamahalaang Bayan ng Laurel, para sa mga senior citizens.

Ibinahagi naman ni Mayor Joan Lumbres-Amo na medyo naantala ang pagbibigay ng bakuna sa kanilang bayan dahil nag-positibo ang ilan sa kanilang medical fronliners.

Hinimok naman niya ang kanyang mga kababayan na samantalahin ang vaccination program ng pamahalaan upang makamit ang layuning herd immunity at tuluyang mawakasan ang pandemyang nagpapahirap hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Pinasalamatan din ng alkalde ang pamahalaang panlalawigan, sa pamumuno ni Governor DoDo Mandanas, sa patuloy na pag-alalay sa mga local government units sa panahong ito.

Ipinaalala naman ni Dr. Josephine Gutierrez ng PHO, na siya ring tumatayong medical coordinator ng National Immunization Program, na kahit may bakuna na ay patuloy pa ring sumunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng gobyerno at ang kahalagahan ng Hugas–Iwas-Mask.

Jun Magnaye – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.