Selebrasyon ng Buwan ng Wika, Tampok sa mga Capitol Activities

JOB FAIR ng POEA, Isinagawa sa Batangas Capitol
September 8, 2017
2017 Hong Kong International Talent Exposition
September 8, 2017

September 8, 2017

Kaugnay ng Buwan ng Wika nitong buwan ng Agosto 2017, nagsagawa ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ng mga aktibidad bilang paggunita at selebrasyon ng nasabing okasyon.

Ginanap ang Best Research Competition – Teacher’s Category noong ika-15-25 ng Agosto, 2017.

Ang naturang paligsahan ay dinaluhan ng 9 na guro mula sa iba’t ibang eskwelahan sa Lalawigan ng Batangas, at 6 sa mga ito ang nagqualify. Ang kanilang pagsasaliksik ay nakatuon sa kultura, tradisyon at paniniwala ng mga Batangueño.

Layunin ng paligsahang maipakita ng mga guro ang resulta ng kanilang pagsasaliksik at makapagbigay sila ng rekomendasyon base sa kanilang mga pag-aaral.

Ang awarding ay ginanap noong ika-29 ng Agosto at tinanghal na 3rd placer ang Batangas Province High School for Culture and Arts (P 5,000.00), 2nd placer ang Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School ng Ibaan Batangas (7,000.00) at 1st placer ang Rosario National High School, Rosario, Batangas ( P10,000.00).

Samantala, isinagawa din noong ika-29 ng Agosto ang workshop sa pagsusulat ng Sanaysay o Essay Writing at ang kilala ngayong Spoken Word.  45 na mga guro at estudyante ang dumalo sa nasabing pagsasanay na pinangunahan nina Atty Jun Dio Jr. at Ms. Jazmine Pena.

Naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa programa ang DepEd, Provincial Planning and Development Office, Batangas Tourism Council, SM Batangas at LPU-Batangas.  Elfie Ilustre – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.