Sea Ambulance ipinagkaloob ng Batangas Capitol sa Coast Guard – Southern Tagalog

Magkatuwang sa Iisang Layunin
October 3, 2019
HIV Awareness and Family Planning Seminar, isinagawa sa Batangas City
October 7, 2019

October 7, 2019

Isang Sea Ambulance ang ipinagkaloob ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, sa Philippine Coast Guard (PCG) – Southern Tagalog District sa ginanap na Turn-over Ceremony sa PCG Headquarters sa Sta. Clara, Batangas City noong October 7, 2019.

Personal na tinanggap ni Commodore Artemio M. Abu, Commander ng Coast Guard District Southern Tagalog, mula kay Gov. Mandanas ang certificate of ownership ng nasabing ambulansiyang pandagat.

Sa kanyang naging pahayag, sinabi ni Abu na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang sea ambulance ay ipinagkatiwala sa Coast Guard, hindi lamang sa history ng Batangas kundi sa buong Pilipinas. Dahil dito, lubos aniya ang kanyang pasasalamat kay Gov. Mandanas sa tiwalang ibinigay sa kanila sa pangangalaga ng isang napakahalagang kagamitan para sa kanilang hanay.

Nagpasalamat din si Gov. Mandanas sa Coast Guard, sa pamumuno ni Comm. Abu, sa kanilang patuloy na pangangalaga sa baybaying dagat ng Lalawigan ng Batangas. Kaya nga raw agaran niyang iminungkahi kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro, na pagkalooban ang Coast Guard ng nasabing emergency transport vehicle.

Tinaguriang “Most Powerful Province” at pangatlo sa mga favorite Tourist Destinations sa bansa, dagdag pa ng governor na binibigyan ng pansin at tulong ng pamahalaang panlalawigan ang Coast Guard sa pagpapatupad ng mga ito ng kanilang responsibilidad at pananagutan na pangalagaan ang mahabang baybayin at karagatan ng Batangas.

Kasama rin sa Turn-over ceremony sina Commander Alexis Calderon, Deputy Commander ng Coast Guard; Auxiliary Commander Leo Campos; Provincial Public Order and Safety Department head, Atty. Genaro Cabral; at, PDRRMO chief Lito Castro.
Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.