Scholarship grants, muling ipinamahagi ng Kapitolyo

STI/HIV/AIDS Ordinance sa Lalawigan ng Batangas, ipinasa ng SP
November 18, 2019
Notice of Vacant Position
November 19, 2019

November 18, 2019

Honor students, binigyang pagkilala

2,673 na mga Batangueño students ang nakabilang sa pinakahuling batch ng mga scholars na nakatanggap ng kanilang educational grants mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika 16 ng Nobyembre 2019 sa Provincial DREAM Zone, Capitol Site Batangas, City.

Ang distribution ng scholarship assistance ay pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas, katuwang ang Provincial School Board – Scholarship Division, sa pamumuno ni Ginoong Cris Ramos.

Sa nasabi ring pagtitipon, binigyang pagkilala ang anim na mga college students na nagkamit ng academic honors, kabilang ang magna cum laude awardees na sina Angelica D. de Mesa at Katerina C. Marqueses ng Lyceum of the Philippines University-Batangas, at cum laude graduates na sina Renalee M. Leyesa, Faye A. Cruz, at Jessica G. Navarro ng Batangas State University – Lipa Campus.

Sa mensahe ng gobernador, ipinaalala niya sa mga Batangas Capitol scholars ang kasabihang “No pain, no Gain,” at pag-ibayuhin pa ang pagsisikap upang makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa kanilang pamilya. Ibinahagi rin nito na kasama sa program ng pamahalaang panlalawigan ang mas maparami pa ang mabibigyan ng mga scholarship grants.

Nakiisa sa pagtitipon sina Vice Governor Mark Leviste, 3rd District Board Member Rudy Balba, at mga executive sssistants ng Office of the Provincial Governor.

Junjun Hara De Chavez – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.