Sangguniang Panlalawigan: “Bird Flu Free ang Lalawigan ng Batangas”

39th National Disability Prevention & Rehabilitation Week, Isinagawa sa Bauan
August 24, 2017
Tulong Ayuda
August 24, 2017

August 24, 2017

Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang Resolution No. 538, Year 2017, na nagdedeklara na walang Avian Influenza o Bird Flu sa Lalawigan ng Batangas sa ika-30 Regular na Session nito noong ika-22 Agosto 2017 sa Apolinarion Legislative Building, Capitol Site, Batangas City.

Nakasaad sa Resolusyong iniakda nina 4th District Board Members JP Gozos at Jess De Veyra na kaagad nagsagawa ng masusing pagsubaybay at monitoring sa mga poultry livestock farms sa lalawigan, kabilang ang mga inaalagaan sa mga pribadong bakuran.  Dahil napatunayang walang bird flu ang Provincial Avian Influenza Task Force, matapos sundin ang mga masusing protocols, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng panlalawigang lehislatura ang deklarasyon.

Binigyang-diin din dito ang kahilingan ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Acting Vice Gov. Wheng Sombrano Africa, sa Dept. of Agriculture na magsagawa ng mga pagsusuri at pag-aaral upang maiwasang makapasok ang nasabing sakit sa lalawigan, kung saan ang poultry industry ay isa sa mga pangunahing hanap-buhay lalo na sa San Jose, na tinaguriang “Egg Basket of the Philippines.”  Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.