San Pablo de Bauan MPA, Isa sa 10 Finalists sa 2021 Para El Mar MPA Awards

Request for Quotation – PURCHASE OF 18 UNITS OF THERMAL SCANNER WITH AUTOMATIC ALCOHOL DISPENSER AND STAND FOR USE IN THE ESTABLISHMENT OF MEDICAL POSTS INSIDE PROVINCIAL EVACUATION CENTERS
September 7, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF 16,129 BOXES OF ASCORBIC ACID WITH ZINC FOR PROVINCIAL CAPITOL EMPLOYEES
September 7, 2021

September 7, 2021

Matagumpay na napili at nakasama sa 10 na finalists ang San Pablo de Bauan Marine Protected Area (MPA) sa Bayan ng Bauan sa Outstanding Locally-Managed Marine Protected Areas in the Philippines ng 2021 Para el MAR MPA Awards and Recognitions.

Ang Para el MAR (for the sea) ay isang biennial event na isinasagawa ng Marine Protected Areas Support Network (MSN), katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), upang kilalanin ang mga local government units at organisasyon na nagpapakita ng mga best practices sa larangan ng marine conservation at protection sa bansa.

Hangad din nitong maipaalam ang pinakamahuhusay na MPAs sa bansa, at maisulong at gantimpalaan ang mga may huwarang pamamahala na batay sa agham.

Ang San Pablo de Bauan MPA ay bahagi ng Balayan Bay sa baybayin ng Lalawigan ng Batangas. Ito ay idineklarang isang MPA noong taong 2009 at may kabuuang sukat na 125.38 ektarya na binubuo ng mga coral reefs o bahura.

Magkakatulong na pinamamahalaan at pingangalagaan ito ng MPA Management Board, na binubuo ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bauan, katuwang ang samahan ng mga resort owners, divers, mangingisda, Bantay Dagat, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council at mga mamamayan.

Ang San Pablo de Bauan MPA ay bahagi ng Batangas MPA Network, na layong mapamahalaan ng maayos at naaayon sa agham at pag-aaral ang 54 na idineklarang MPAs (coral reef, mangrove at sea grass) sa buong lalawigan, at mapangalagaan at maprotektahan ang mga ito laban sa mga mapanira at iligal na gawain.

Ito ay sang-ayon sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) katuwang ang mga LGUs, NGAs, NGOs, academe, people’s organizations at mga mamamayan upang mapanatili ang isang malinis, maayos at masaganang karagatan sa buong lalawigan.

Dinadayo at kinagigiliwan ng mga turista at divers ang MPA na ito dahil sa pambihirang ganda at lawak ng bahura, na may iba’t ibang uri ng lamang dagat tulad ng isdang jacks, mackerel, giant clams at iba pa.

Malimit ding puntahan ang MPA na ito ng mga mag-aaral at mananaliksik, na nakapagtala ng malawak na buhay-dagat, kabilang ang ctenophores, na kilala bilang comb jellies, at unang naiulat sa Pilipinas.

Isang 10-minute presentation ang ilalahad ng Pamahalaang Bayan ng Bauan sa three-day program sa Setyembre 8-10, 2021, na magpapakita ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa San Pablo de Bauan MPA, ang mayamang ecosystem na nakapaloob dito, mga benepisyo na nakukuha ng mga mamamayan sa maayos na MPA, at mga plano sa mga susunod na panahon para sa tuloy-tuloy na pangangalaga at pamamahala ng nasabing lugar.

Mayroon na lamang 2 araw bago ang Para El Mar 2021! Mangyaring i-click ito, https://bit.ly/3B2QCBv para sa registration. Ibibigay ang Zoom link sa unang 400 na dadalo, bawat araw. At sama-sama nating saksihan at suportahan ang paggawad ng nangungunang mga lokal na pinamamahalaang MPA sa Pilipinas, kasali ang ipinagmamalaki nating San Pablo de Bauan MPA at alamin kung paano ito ginawang posible sa kabila ng pandemya.

Goodluck and congratulations San Pablo de Bauan MPA.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.