November 4, 2019
Upang maging handa sa bawat sakuna ang mga kawani ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas, ginanap ang isang Basic Life Support and First Aid Training na pinangunahan ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Dalubhasaan Bldg., Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City noong ika-30 ng Oktubre 2019.
Sumailalim at nakiisa sa nasabing training ang bawat Safety Officer ng mga tanggapan ng Kapitolyo upang magkaroon ng wastong kaalaman kung sakaling magkaroon ng mga sakuna.
17 empleyado ang nakilahok sa pagsasanay, na itinalaga ng kani-kanilang opisina, at inaasahang magiging katuwang ng PDRRMO sa pagbibigay ng paunang tulong sa mga emergency situations.
Tinalakay sa pagsasanay ang First Aid management, mga paraan sa paglilipat ng mga pasyente, pagbibigay ng Cardio-Pulmunary Resuscitation (CPR), bandaging ng mga sugat, at ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng Basic Life Support.
Ang nasabing training ay una pa lamang sa serye ng mga nakahanay na mga pagsasanay ng PDRRMO para sa nabanggit na mga Safety Officers. Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO