Retirees ng Kapitolyo, Pinarangalan

Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, Magsasagawa ng Fundraising Concert
December 3, 2018
Suporta sa People’s Initiative Patuloy na Lumalakas
December 5, 2018

Pasasalamat sa Capitol Retirees. Kasama nina Gov. Dodo Mandanas at Chief of Staff Abel Bejasa si Nora Cantos, Administrative Officer IV sa Office of the Provincial Governor, na nakatakda nang magretiro matapos ang mahigit 41 taon ng paglilingkod sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Nagpasalamat ang gobernador sa lahat ng mga magreretirong empleyado ng Kapitolyo na naging katuwang ng pamahalaang lokal sa paglilingkod sa lalawigan.

Pinapurihan ni Governor Dodo Mandanas ang ipinamalas na dedikasyon ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na nakatakda nang mag-retiro sa ginanap na Retirees’ Day Celebration sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-3 ng Disyembre 2018.

Sa ibinahaging mensahe ng gobernador, taos-puso ang kanyang pasasalamat sa 79 na mga kapwa lingkod bayan na nag-serbisyo at nag-ambag ng kanilang galing at talino para sa lalawigan. Hindi dito aniya nagwawakas ang pagtulong sa kapwa ng mga retirees, bagkus ay isa lamang itong panibagong kabanata ng kanilang buhay.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), sa ilalim ng pamumuno ni Bb. Rhiza B. De Zosa.

Sa mga retirees na nakatanggap ng pagkilala sa kanilang pagseserbisyo sa pamahalaang panlalawigan, pinakamatagal na naglingkod sina Honorata S. Dawis ng Provincial Veterinary Office at Romeo M. Espina ng Batangas Provincial Jail na kapwa naging provincial government employees ng 42 taon.

Naging highlight ng programa ang paggagawad ng Plake ng Pagkilala para sa kanilang hindi matatawarang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Samantala, para naman sa kasiyahan ng mga retirees ay nagdaos ang PHRMO ng mga palaro, raffle draws at pagbabahaginan ng mga kuwento kung saan nagsalaysay ng kani-kanilang mga naging karanasan sa Kapitolyo ang mga kawaning retirado. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig and Shelly Umali / Photo by: Eric Arellano — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.