Relokasyon ng Ilang Opisina, 30-50% Staffing Arrangement Ipinatutupad sa Kapitolyo

International Mother Earth Day 2021, Ipinagdiriwang ngayong Abril 22
April 22, 2021
Notice of Award – Purchase of 59,677 boxes Ascorbic Acid + Zinc Capsule, 100’s, for Subsidy Program to families affected by General Community Quarantine
April 23, 2021

April 23, 2021

Bilang pagsunod sa mga pamantayan ng New Normal sa bansa dulot ng Pandemya, muling ipinaalala ni Governor DoDo Mandanas sa pamunuan ng mga kawanihan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na istriktong isagawa ang flexible work arrangements para sa mga empleyado, bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng may COVID-19.

Sa pinagsamang pulong ng Batangas Inter-Agency Task Force Againts COVID 19 at Batangas Provincial Health Board noong ika-19 ng Abril 2021, binigyang-diin ng gobernador ang pagpapatupad ng 30 – 50% staffing capacity sa lahat ng tanggapan sa kapitolyo, work from home arrangements at flexible shifts sa work schedule upang maiwasan ang pagsasabay-sabay ng maraming kawani sa Kapitolyo.

Nitong mga nakaraang buwan, tumaas ang bilang ng mga kawani na nag-positibo sa COVID-19 virus mula sa administrative, finance at social welfare departments, na nasa frontline ng serbisyo publiko.

Bukod sa nauna nang direktiba sa digital shift, kung saan gagamitin ang information technology para sa paperless, wireless at digital transactions para sa mga serbisyo at tulong ng Kapitolyo, magkakaroon din ng malawakang pagpapaayos at pagpapagawa ng ilang mga tanggapan upang mas mapaghiwa-hiwalay ang mga empleyado, gayun din ang relokasyon ng mga opisina sa loob ng Capitol Compound.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.