Region IV-A Convergence Program ng DTI at DPWH, Tinalakay

Buwanang Premium Contribution sa PhilHealth ng mga Employed Sector, Tumaas
February 19, 2018
Building a Rich Batangas
February 20, 2018

Naging kinatawan ni Gov. Dodo Mandanas, ang CALABARZON Regional Development Council Chairperson, si Batangas Provincial Engr. Gilbert Gatdula sa pagpupulong tungkol sa DTI at DPWH Convergence Program na Road Leveraging Linkages of Industry and Trade o ROLL IT para sa Region IV-A noong ika-19 ng Pebrero 2018 sa Provincial Cooperative Development Center, Batangas Provincial Capitol. Almira M. Eje and Ma. Cecilei De Castro / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

February 19, 2018

Naging kinatawan ni Gov. Dodo Mandanas, ang CALABARZON Regional Development Council Chairperson, si Batangas Provincial Engr. Gilbert Gatdula sa pagpupulong tungkol sa DTI at DPWH Convergence Program na Road Leveraging Linkages of Industry and Trade o ROLL IT para sa Region IV-A noong ika-19 ng Pebrero 2018 sa Provincial Cooperative Development Center, Batangas Provincial Capitol. Almira M. Eje and Ma. Cecilei De Castro / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Isang pagtitipon ang magkabalikat na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa kanilang Convergence Program na  Road Leveraging Linkages of Industry and Trade  o ROLL IT noong ika-19 ng Pebrero, 2018 sa Provincial Cooperative Development Center, Batangas Provincial Capitol para pagtalakayan ang mga inilatag na Roller Guidelines na kanilang ipatutupad sa Southern Tagalog Region.

Ang nasabing forum ay dinaluhan ng iba’t ibang stakeholders mula sa pribadong sektor kasama rin ang mga Municipal Planning and Development Coordinators mula sa Region IV-A (CALABARZON) at dalawang alkalde mula sa Lalawigan ng Quezon.
Nagpaabot naman ng mensahe si Gov. Dodo Mandanas, CALABARZON Regional Development Council Chairperson, sa pamamagitan ni Provincial Engr. Gilbert Gatdula, sa mga dumalo na inaasahan ang pagtutulungan at pagsasama-sama ng mga ahensya para sa ikauunlad ng bawat bayan sa mga lalawigan ng CALABARZON.

Layunin ng programang ito na pangasiwaan ang husay at pagsisikap ng dalawang magkaakibat na departamento upang kilalanin, isaalang-alang at ipatupad ang road access infrastructures sa mga lalawigan at local government units nito na hahantong sa iba’t ibang industriya at economic zones na magsusulong ng kaunlaran.

Ayon sa mga opisyal ng dalawang ahensyang nasyunal,  gagamitin ng Proyektong Roll It ang  isang technically-correct at politically-participative  process  sa pagpapatupad ng mga isasagawang proyekto upang masiguro na ang mga ito ay akma, tugma at may resulta sa tunay na mga pangangailanagan ng komunidad sa rehiyon.

Ayon kay Mr. Melqiuades Sto. Domingo ng DPWH 4A, inaasahan ang pagpapatuloy ng mga nakalatag na proyekto na nakaprogramang matapos sa taong 2022. Dagdag pa niya, suporta at pagkakaisa ang kailangan upang maayos na maisagawa ang mga proyekto sapagkat lahat  ay makikinabang rito. Almira M. Eje and Ma. Cecilei De Castro – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.