Rabies Information Forum, Anti-Counterfeit Vaccine Lecture tampok sa World Rabies Day celebration

Proyektong SK building ng Kapitolyo sa Agoncillo, pinasinayaan
September 26, 2024
Mga natatanging kawani, tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kinilala
October 1, 2024

September 27, 2024

Nakiisa sa pagdiriwang ng World Rabies Day ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Rabies Forum, kasama ang mga kinatawan ng Provincial Rabies Technical Committee, mga kalahok mula sa mga iba’t-ibang Local Government Health Units at mga representante ng mga Animal Bite Treatment Centers sa lalawigan nitong ika- 27 ng Setyembre 2024 sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Inilatag ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO), ang mga best practices sa paglaban sa Rabies.

Kabilang dito ang pinalawak na vaccine advocacy and literacy program, responsible animal care program, information drive na nakatutok sa kaalaman sa rabies para kumunidad at paaralan, capability building and assessment ng mga Animal Bite Treatment Centers sa Batangas at pagpapalawak ng Human Rabies cases investigations sa mga suspected rabid animal bite.

Nagbahagi din ng Regional Outlook on Rabies Control Program ang Department of Health CALABARZON na pinamunuan ni Ginoong Jomell V. Mojica, Region IV-A Rabies Coordinator.

Tampok din sa isinagawang forum ang Anti-Counterfeit Drug lecture na inihatid ng mga representante ng New Marketlink na isa sa mga marketer ng kilala at subok na Anti-Rabies product sa lalawigan.

Ito ay nag-ugat sa isang kaso ng napabalitang rabies case fatality na residente ng Bayan ng Sta. Teresita, na naturukan ng counterfeit o pekeng rabies vaccine mula sa isang pribadong ABTC.

Sinundan ito ng pagbibigay-pagkilala at parangal sa mga top 5 animal bite treatment centers, kabilang ang mga Bayan ng Alitagtag, San Luis, Cuenca, Calatagan at Tanauan City.

Sa direktiba ni Governor Mandanas, ang pagdiriwang ng World Rabies Day sa lalawigan ay naka-sentro sa temang “ Keep our homes and community injury free! Siguraduhing bakunado si bantay at wag iwanang mag isa ang mga chkiting kasama ang mga alagang hayop.”

Sa tala ng PHO, mataas ang kaso ng animal bite at vaccination rate sa Batangas dahil umano sa ang karaniwang nakakagat o nagagalusan ng mga hayop ay ang mga dog and cat owners na kasama ang kanilang mga alaga sa loob ng bahay at bakuran. / Edwin V. Zabarte- Batangas PIO/ Photos by Macven Ocampo/ Armando de Chavez jr.

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.