Rabies Advocacy Contest Naging Tampok sa World Rabies Day Celebration sa Batangas

Lodlod NHS, Kampeon sa 2017 Tanghalang Pangmamimili ng DTI Batangas
October 4, 2017
Para sa Kabataan, Sa Magandang Kinabukasan, Alay Lakad 2017 Tagumpay
October 5, 2017

October 5, 2017

Tagumpay ang mga isinagawang patimpalak  ng Batangas Provincial Anti-Rabies Council  sa isinagawang World Rabies Day Celebration noong nakaraang September 29, 2017 sa Provincial Capitol Complex, na dinaluhan ng mga dog and animal enthusiasts, mga kasapi ng academe at mga delegasyon ng mga local government units ng lalawigan.

Ang mga patimpalak para labanan ang Rabies ay sinimulan sa isang Dog Show and Fun Match na humikayat sa Batangueño public  na maging responsible pet owners.  Sinundan ito ng Rabies Slogan Contest para sa mga mag-aaral na hatid ng DepEd Batangas Province at Rabies Quiz Bee para sa iba’t-ibang LGUs ng lalawigan na nagtagisan ng kanilang talino at kaalaman sa paglaban sa nakamamatay na sakit.

Nagwagi sa larangan ng Slogan Contest sina Ronald Gonzales ng Balagbag Elementary School, San Juan West District bilang Slogan Champion; ikalawang puwesto si Warren Dominic D. Perez ng Gregorio Paradero Elementary School ng bayan ng Tuy; at pumangatlo si Carmela Angeliq Y. Aranas ng Paaralang Elementarya ng Calubcub 1 ng bayan ng San Juan.

Rabies Quiz Bee Champion naman ang LGU delegation ng Lipa City,  1st Runner Up ang bayan ng Cuenca at 2nd Runner Up ang bayan ng San Nicolas.

Tinaghal namang Best Rabies Program Implementor  ang bayan ng Calaca, na sinundan ng bayan ng Talisay at pumangatlo ang bayan ng ibaan.

Nakuha din ng bayan ng Calaca ang Best in Information and Communication and Rabies Program Advocacies, samantalang tinanghal na may pinakamagaling na rabies vaccination coverage ang Barangay Animal Workers Group ng Tanauan City.

Tingahal naman na Best Performing Animal Bite Treatment Center ang Batangas Provincial Hospital, habang ginawaran ng citation si Padre Garcia ABC president  Nicetas Amante bilang Best Barangay Official Rabies Program Implementor.

Ang paggunita sa Rabies day ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan para sa Rabies Zero by 20 o maging Rabies Free ang lalawigan sa taong 2020 at bilang pagsunod sa temang ng taong ito na “Kilos Batangas Upang sa Rabies maging Ligtas.”  / Edwin V. Zabarte- Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.