PSWDO, St. Bridget, Nagbahagi ng Livelihood Training sa mga Batangueña

Barangay Tanod Federation, Dumalo sa 2nd Quarterly Meeting
June 26, 2022
Batangueñong Iskultor, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
June 29, 2022

June 29, 2022

Tuloy-tuloy ang serbisyo publiko ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa gabay ni Gov. DoDo Mandanas at pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), upang makatulong sa larangan ng pangkabuhayan ng mga Batangueño.

Naging katuwang ng PSWDO ang St. Bridget’s Community Center, Inc. (SBCCI) upang makapagbigay ng tatlong araw na pagsasanay sa Cosmetology and Hair Science and Beauty Culture para sa 35 na mga Batangueña na ginanap noong ika-20 hanggang ika-24 ng Hunyo 2022 sa St. Bridget College, Batangas City.

May layuning makapagbigay ng mga kasanayan na makatutulong upang magkaroon ng maayos at regular na hanapbuhay, ang training ay isa sa mga proyekto at aktibidad ng PSWDO, na pinamumunuan ni Mrs. Joy Montalbo, ka-partner ang iba’t ibang mga government at private stakeholders, na ikinasa upang maging daan sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga kababayan, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalamang pangkabuhayan.

Nakapaloob sa pagsasanay ang haircutting, hair treatment, hair rebonding, hair coloring, cosmetology, manicure and pedicure with hand and foot spa at nail art.

Ang mga naging trainees ay mula sa iba’t-ibang barangay sa Batangas City, SBCCI at Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI).

Shelly M. Umali – Batangas Capitol PIO / Photo: PSWDO with reports from Sally Corollo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.