PSWDO, Kinilala ng DSWD sa 2021 PaNata Ko sa Bayan Awards

Notice of Vacant Positions
May 20, 2022
Araw ng mga Punong Barangay sa Lalawigan ng Batangas, Ipinagdiwang sa Kapitolyo
May 20, 2022

May 20, 2022

Kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga nakatanggap ng pagkilala sa 2021 PaNata ko sa Bayan Awards ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isinagawa noong ika-8 ng Marso 2022 sa Binan, Laguna.

Ginawaran ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pangunguna ni Ginang Jocelyn Montalbo, ng Gawad Serbisyo 2021 at 2021 Model LGU in the Adoption and Utilization of Disaster Reporting Tools.

Kasama sa pagtanggap ng nasabing awards si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Joselito Castro, na ang tanggapan ay naging katuwang ng PSWDO sa pagpapaganap ng kanilang mga kinilalang proyekto at aktibidad.

Tumanggap din ng Certificate of Recognition ang Batangas PSWDO sa pagiging Most Active PSWDO, matapos itong magpamalas ng proactive na mga hakbangin at estratehiya upang epektibong mapangasiwaan ang mga local government units (LGU) sa lalawigan sa pagsusumite ng LGU Compliance Monitoring Report noong Pilot Implementation ng SWD Laws Online Monitoring System para sa First Semester ng 2021.

Ang PaNata Ko sa Bayan Award ay isinasagawa taon-taon ng DSWD upang bigyang pugay ang mga aksyon at pagsisikap ng mga indibidwal, grupo at organisasyon, na ang “vow” o panata ay ang makapagbahagi ng mga kanilang oras, kakayahan at resources para makatulong sa mga nangangailangan, kabilang ang mga tinamaan ng kalamidad, giyera at ng umiiral pa ring COVID-19 pandemic.

Nauna rito, binigyan din ang PSWDO ng special citation para sa Highest LGU Report Submission- LGU Compliance and Monitoring Report on Social Welfare and Development Laws.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.