Provincial Bantay Asin Task Force Nagpulong sa Lobo; Gawaan ng Asin Binisita

6th District Educational Fund ipinamahagi sa pamamagitan ng Kapitolyo
October 8, 2018
Poster Making Contest Hatid ng Batangas Blood Council, Tagumpay
October 10, 2018

Iodized Salt na gawang Batangueño. Sa pangunguna ni Provincial Health Officer Dr. Rose Ozaeta, binisita ng Batangas Provincial Bantay Asin Task Force ang pagawaan ng iodized salt sa Brgy. Sawang sa Munisipalidad ng Lobo noong ika-4 ng Oktubre 2018. Photo: Engr. Tess Maranan – Batangas Capitol PIO

October 8, 2018

Iodized Salt na gawang Batangueño. Sa pangunguna ni Provincial Health Officer Dr. Rose Ozaeta, binisita ng Batangas Provincial Bantay Asin Task Force ang pagawaan ng iodized salt sa Brgy. Sawang sa Munisipalidad ng Lobo noong ika-4 ng Oktubre 2018. Photo: Engr. Tess Maranan – Batangas Capitol PIO

Binisita ng Batangas Provincial Bantay Asin Task Force, sa pangunguna ni Provincial Health Officer Dr. Rose Ozaeta, ang pagawaan ng asin sa Brgy. Sawang sa Munisipalidad ng Lobo noong ika-4 ng Oktubre 2018, kaugnay ng patuloy na kampanya para sa pagbebenta at paggamit ng Iodized Salt sa Lalawigan ng Batangas.

Kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Philippine National Police (PNP), PNP-Maritime Group at mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, tiningnan ng Provincial Bantay Asin Task Force ang kapasidad ng nasabing gawaan sa Lobo upang makapagbigay ng mga rekomendasyon para sa pagpapabuti ng operasyon nito.

Matapos ang site inspection, nagtungo sa Lobo Municipal Hospital ang mga miyembro ng task force para sa 3rd Quarter Meeting kung saan tinalakay ang kalagayan ng pagpapatupad ng Republic Act 8172 o An Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN) Law sa Batangas Province.

Sa patuloy na pagmo-monitor at testing ng PNP at iba pang kabalikat na ahensya, nasa 96% ng mga ibinebentang asin sa lalawigan ay iodized salt mula 2014 hanggang 2017. Malaking pagtaas ito mula 2011, ang panahong nasa 1% lamang ang iodized salt sa merkado sa Batangas Province, na siyang naging dahilan kaya binuo ang Provincial Bantay Asin Task Force.

Tinalakay din sa pagpupulong ang paggawa ng isang audio visual presentation na nakatuon sa kahalagahan at pakinabang ng iodized salt sa kalusugan, kumpara sa pangkaraniwang asin. Pinag-usapan din ang mga ikinakasang mga proyekto para sa susunod na taon upang tuloy-tuloy na maisulong ang paggamit ng iodized salt, sa pamamagitan ng mga information and education campaigns, jingle-making contest at poster making competition para sa mga mag-aaral. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.