Programang Rabies-Free Batangas Muling Susulong ngayong Setyembre 2022

Gov. DoDo, Kaisa sa 2-day State Visit ni Pangulong Marcos sa Singapore
September 9, 2022
Batangas Local Health Board Nagsagawa ng Talakayan
September 14, 2022

September 10, 2022

Isinagawa ng Batangas Provincial Rabies Technical Working Group (RTWG) at mga Animal Bite Treatment Centers (ABTC) ng lalawigan ang kauna-unahang face-to-face meeting ng mga kasapi nito noong ika-7 ng Setyembre 2022, matapos ang halos dalawang taong pagkakahinto bunga ng umiiral na pandemya.

Sa pagtitipon ng mga rabies experts, sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas, muling palalakasin ng RTWG at mga ABTC ang programa nito na maging rabies-free province ang Batangas at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa mga alagang hayop at pagkamatay ng mga indibidwal na dinadapuan nito sa pamamagitan ng mga kagat ng mga nahawaang mga hayop.

Humarap sa pagtitipon ang mga opisyal ng Provincial Health Office at Office of the Provincial Veterinarian upang talakayin ang mga nakahanay nitong mga proyekto at aktibidad kaugnay ng rabies awareness program para sa mga Batangueño, at ilahad ang ilang mga tagubilin ni Governor DoDo Mandanas para sa pangkahalatang programang pangkalusugan sa lalawigan.

Naging parte ng pagtitipon ang paglalahad ng mga naisagawa na ng bawat ahensyang direktang may kinalaman sa pagpapatupad ng nasabing programa para sa taong 2022, ganun din ang mga datos mula sa 18 na operational animal bite treatment centers sa buong lalawigan, na nakapagtala ng 17,839 na kabuuang kaso ng animal bites.

Ayon kay Dr. Lorelie Villarba Austria ng Provincial Veterinarian Office, nakapagturok ang kanilang tanggapan ng mahigit 65,000 anti-rabies vaccines sa mga aso, pusa at unggoy, habang mahigit 600 naman ang kanilang naitalang kinapon na mga aso at pusa sa ilalim ng kanilang spay and neuter program.

Inilatag din at pinaghahandaan ang mga aktibidad sa isasagawang pagdiriwang ng World Rabies Day sa darating na ika-30 ng Setyembre 2022.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.