Pre-Disaster Risk Assessment, Evacuation Plan Isinagawa Dahil sa Banta ng Bulkang Taal

Istriktong Implementasyon ng “No Human Settlements Land” Resolution, mas Pinaigting sa Harap ng Pagtaas ng Alert Status ng Bulkang Taal
March 9, 2021
Vaccination Roll-out sa Lalawigan ng Batangas, Nagsimula Na
March 12, 2021

March 12, 2021

Bilang paghahanda at pagresponde kung sakaling pumutok muli ang Bulkang Taal, isang pagpupulong ang ginanap, sa pangunguna ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, noong ika-10 ng Marso 2021 kung saan pinag-usapan ang mga nakahaing plano para sa mga posibleng emergency situations.

Bunsod ng pagtataas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ng nasabing aktibong bulkan, tinalakay at nirepaso ng iba’t ibang mga response clusters ang mga nakatakdang mga aksyon at tungkulin ng bawat ahensya at organisasyon, na kinabibilangan ng PHIVOLCS, Philppine Coastguard, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Department of Communication and Technology (DICT), Philippine National Police (PNP), Provincial Engineering Office (PEO), Department of Education (DepEd), Provincial Health Office (PHO), Provincial Legal Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Kabilang sa pinagtuunang-pansin ang mga kakailanganing mga sasakyan, kagamitan at manpower capacity.

Iniulat ng PCG na nagtalaga na sila ng additional coastal patrol sa mga Bayan ng Talisay at San Nicolas, kung saan tututok ang kanilang mga tauhan para sa agarang pagbibigay ng impormasyon at tulong sa mga kinauukulan. Ibinahagi namn ng PNP ang deployment ng dagdag na mga pulis sa bawat bayan sa palibot ng Taal Lake, kasama ang mga sasakyang maaaring magamit sa paglikas.

Samantala pinamunuan ng PSWDO, kasama ang MSWDO at CSWDO ng mga coastal local government units, sa paglalatag ng evacuation plans at paghahanda ng mga evaucuation centers. Ipinamahagi na rin ng tanggapan ang mga survey forms sa mga barangay na mataas ang banta para mapaghandaan ang pagbibigay ng pagkain at basic needs ng mga pamilyang nakatira dito.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.