Pre-Assessment Para sa 2017 Seal of Good Local Governance Ginanap

119th Birthday ni Gov. Sanoy Leviste Minarkahan ng Batangas Capitol
June 2, 2017
Liga ng mga Lalawigan
June 2, 2017

June 2, 2017

Sa pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas Provincial Office, isinagawa ng Provincial Planning and Development Office ang isang Validation o Pre-Assessment para sa 2017 Seal of Good Local Governance (SGLG) (Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal) noong ika-30 ng Mayo 2017.

Isinagawa ito upang tingnan ang kahandaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa Regional Onsite Assessment na magaganap sa June 6, 2017.

Sa pamamagitan ng SGLG ay nasusubaybayan ang pagsunod ng mga local government units sa mga performance criteria na itinakda ng DILG sa 4 na Core Areas: Good Financial Housekeeping; Disaster Preparedness; Social Protection; at Peace and Order; at 3 Essential Areas na: Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Management; at, Tourism, Culture and the Arts.

Nagawaran ng Seal of Good Local Governance ang Lalawigan ng Batangas noong 2015 at 2016. Kapag nakapasa muli ang Batangas ngayong 2017, magiging bahagi na ang Lalawigan sa SGLG Hall of Fame.

Tuloy-tuloy namang ginagawa ng mga departments ng Kapitolyo ang mga tamang hakbang upang masigurong sang-ayon sa mga nakatakdang batayan ng serbisyo publiko ang paglilingkod ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan. Vince Altar / Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.