Poultry Farms sa Bayan ng San Jose, Sumailalim sa Sample Collection and Avian Influenza Screening

Panalo ng IRA backpay sa SC, laban ng Pilipino, sa Pangunguna ng mga Batangueño
July 10, 2018
DOE Nagsagawa ng Focused Inspection at Information Campaign sa Batangas Province
July 12, 2018

July 11, 2018

Limang araw na Sample Collection and Avian Influenza Screening for Bureau of Animal Industry Accreditation of Poultry Farms ang isinulong sa bayan ng San Jose Batangas sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office (ProVet) at sa pakikipag ugnayan nito sa local veterinarians, na isinagawa noong ika-9 ng Hulyo at hanggang ika-13 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Noong nakaraang buwan ng Hunyo unang nagkaroon ng nasabing aktibidad ang ProVet sa bayan ng San Jose kung saan ay tinatayang 55 farms na ang nabibisita nila dito hanggang sa kasalukuyan.

Nagsasagawa sila ng sample blood collection mula sa 35 na mga manok sa bawat Poultry Farm upang malaman kung pasok ito sa Bureau of Animal Industry (BAI) Accreditation at matukoy kung may Avian Influenza at oropharyngeal ang mga manok. Matapos ang sample collection ay ipapasa ito ng ProVet sa mga chicken raisers na sila naming napag-atasan na magdala nito sa BAI.

Ang mga dugo na nakuha sa sample collection ay dadaan sa mga test laboratory, disease diagnostic, at iba pa. sa kasalukuyang pagsusuri ay negatibo ang naging resulta nito at pasok sa accreditation kaya maaari nang mailabas ang mga produkto sa labas ng lalawigan. – Jean Alysa C. Guerra – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.