Poster Making Contest Hatid ng Batangas Blood Council, Tagumpay

Provincial Bantay Asin Task Force Nagpulong sa Lobo; Gawaan ng Asin Binisita
October 8, 2018
Filing ng COC para sa 2019 Elections, Nagsimula Na
October 11, 2018

Angat ang galing ng mga kabataang Batangueño sa larangan ng sining. Nagpakitang gilas ng kani-kanilang galing at talento sa pagguhit ang mga piling grade 6 students na nagmula pa sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan sa idinaos na Poster Making Contest, isang aktibidad na hatid ng Batangas Provincial Blood Council. Makikita sa larawan si Mr. Jun Magana, Chairperson ng Council kasama ang tatlong mag-aaral at mga guro nito na nakakuha ng pwesto sa paligsahan: King D. Villena (Gitna, 1st Placer), Angelo C. Husmilo (Kaliwa, 2nd Placer) at Xaviery Yhvonne H. Semira (Kanan, 3rd Placer). ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Luigi Comia – Batangas Capitol PIO

October 10, 2018

Sa ikatlong pagkakataon, muling nagdaos ang Batangas Provincial Blood Council ng isang poster making contest na may layuning maitaas ang antas ng kamalayan at ipabatid sa mga kabataan ang kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo na inaasahang makatutulong na madugtungan ang buhay ng mga mangangailangan nito.

Ang nasabing paligsahan sa pagguhit ay ginanap sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-10 ng Oktubre 2018.

Naging kalahok sa Poster Making Contest ang mga grade 6 students na nagmula sa iba’t-ibang paaralan sa Lalawigan ng Batangas kung saan nakapagtala ng 35 participants, pinakamarami sa tatlong beses na pagdaraos ng paligsahan. Naging katuwang ng mga bata ang kanilang mga magulang kasama ang mga guro na tumayo bilang coach.

Sa gabay ng temang “Be there for someone else, Give Blood, Share Life”, iginuhit ng mga kabataang mag-aaral ang kani-kanilang likha na labis hinangaan ng mga hurado at ilang mga bisita sa taglay nilang angking galling at talento.

Mula sa mga kalahok, hinirang na 1st placer si King D. Villena na nagmula sa Lemery Pilot Elementary School, Lemery Batangas at nakuha ang premyong nagkakahalaga ng Php5,000.00. Sinundan ng iginuhit nina Angelo C. Husmilo ng Galamay Amo Elementary School, San Jose, Batangas bilang 2nd place na naguwi ng Php3,000.00 cash at 3rd placer si Xaviery Yhvonne H. Semira ng Balanga Elementary School, Ibaan, Batangas na nagkamit ng halagang Php2,000.00

Nasungkit naman ni Donatello F. Berana ng Bucal Elementary School, Taysan, Batangas ang PHO Special Award. Ang lahat ng kalahok kasama ang kanilang nagsanay na guro ay nakatanggap ng tig Php400.00.

Nagsilbing hurado sa paligsahan sina Mr. Ronald Generoso ng Philippine Red Cross, Batangas Chapter, Dr. Anacleta Pring-Valdez ng Department of Health Region IV-A, at Mr. Amado Hagos ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.

Samantala, naging bahagi rin ng programa ang paggagawad ng sertipiko ng pagkilala at pamamahagi ng first Aid Kit mula sa DOH para sa lahat ng mga bata at gurong nakilahok sa poster making contest.

Ang matagumpay na aktibidad ng Batangas Blood Council, sa pangunguna ng chairperson nitong si Mr. Jun Magana, ay naisakatuparan sa tulong nina Batangas Gov. Dodo Mandanas, Provincial Health Office, Red Cross Batangas, Batangas Medical Center, Batangas PNP, at DepEd Batangas.
✐Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.