PNP Interaction Workshop at local tourism stakeholders sa lalawigan, isinagawa

Free Seminar on Meat Processing, isinagawa sa Kapitolyo
October 21, 2019
Notice of Vacant Position
October 28, 2019

October 23, 2019

Ang Lalawigan ng Batangas ay kilala sa mga natatangi at ipinagmamalaking destinasyong panturismo. Dahil dito, hindi na nakapagtataka ang patuloy na pagtaas ng bilang o bahagdan ng mga lokal at dayuhang turista na bumisita sa naturang probinsya.

Kaugnay nito, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat turistang dumarayo sa lalawigan, isinagawa sa Camp General Miguel Malvar, Lungsod ng Batangas, ang Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) Interaction Workshop, na magbibigay-daan sa pagkakaroon ng dagdag kaalaman at kahandaan ng mga Batangueñong Pulis, at makabuo ng mga planong nakatuon sa turismo noong ika-15 hanggang ika-18 ng Oktubre 2019.

Ang apat na araw na workshop ay magkabalikat na programa at inisyatibo ng Department of Tourism at Philippine National Police (PNP) Region IV – A, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.

Naging kalahok sa pagtitipon ang mga tourism stakeholders mula sa mga accommodation establishments, restaurants, travel agencies, tours and transport, academe, frontliners, local government units at national government agencies sa lalawigan.

Sentro ng TOPCOP Interaction Workshop ang dayologo sa pagitan ng pulisya at tourism stakeholders upang makapagbalangkas ng Local Tourism Security Plan. Sa pamamagitan nito, masisigurado ang mas maayos na komunikasyon sa pagitan ng TOPCOP at mga tagapagtaguyod ng ugnayang panturismo sa lalawigan.

Bukod dito, bahagi rin ang pagtalakay sa ilang mga paksa o modules, gaya ng tourism awareness, basic principles on tourist safety, at “Filipino Brand of Service”.

Ang programang ito ay nabuo bilang tugon sa Section 100 ng Tourism Act of 2009 na nagbibigay mandato sa mga kapulisan na makapagtatag ng tinatawag na tourism security force. Ito ay inaasahang makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na dinadagsa o kung saan maraming turista ang dumarayo.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO
Photo: Weng Brual – PTCAO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.