PNP at PDEA, Nagsagawa ng Surprise Inspection sa Batangas Provincial Jail

LGSF-DRRAP Report on Fund Utilization and Status of Program Implementation as of March 31, 2022
April 29, 2022
Invitation to Bid (GOODS) May 24, 2022
May 6, 2022

May 1, 2022

Masayang ibinahagi ni Atty. Genaro Cabral, ang acting Provincial Jail Warden ng Batangas Provincial Jail (BPJ), na sa naganap na surprise inspection nitong nagdaang Sabado, April 23, 2022, bagaman at may mga nakitang patalim ay wala namang nakitang kahit anong uri ng droga sa loob ng panlalawigang piitan sa Lungsod ng Batangas.

Ito ang kanyang naging pahayag sa naganap na panayam noong ika-26 ng Abril 2022 sa B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pangradyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) ang proyektong tinawag na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO, kung saan humigit kumulang 150 police personnel mula sa Batangas Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagsagawa ng mahigit tatlong oras na paggalugad sa bawat selda katulong ang mga drug-sniffing dogs.

Binigyang-diin din ng acting Jail Warden na tugma ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nasa loob ng kulungan sa bilang ng mga ito sa listahan.

Ayon pa kay Atty. Cabral, walang naitalang namatay sa Batangas Provincial Jail dahil sa COVID-19, sa kabila ng mga napaulat na pumanaw sa mga Provincial Jail sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Nakapagtala aniya ng pitong kaso ng Covid-19 sa kanilang tanggapan na hindi naman naging malala ang mga sintomas na naramdaman.

Sa usapin sa kalagayan ng Batangas Provincial Jail, ibinahagi ni Cabral na nasa 300 lamang ang kapasidad ng nasabing pasilidad, ngunit sa kasagsagan ng war on drugs policy ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagkaroon ng mahigit 3,300 na bilanggo dito.

Nabawasan naman ang bilang ng mga PDL sa pamamagitan ng plea bargains. Sa ngayon, bumaba na sa 1,340 ang mga PDL, kabilang ang mahigit 100 na mga babae.

Halos dalawang taong hindi pinahintulutang magkaroon ng dalaw ang mga PDL dahil sa paghihigpit na may kinalaman sa kalusugan dahil sa kasalukuyang pandemya. Pero mahigit isang buwan na aniyang pinahihintulutan ang personal na pagdalaw sa mga PDL, na sa kasagsagan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols ay tanging sa pamamagitan ng text at online o e-dalaw lamang nakakausap at nakikita ang mga mahal sa buhay.

Dagdag pa ng warder, may pagkakataon pa ring makaboto ang mga PDL sa darating na May 9, 2022 elections kahit nasa loob ng bilangguan.

Vinson-Roi C. De Chavez – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.