July 30, 2024
Inilatag sa isinagawang Joint Committee Meeting ng Response and Early Recovery at Disaster Rehabilitation and Recovery Committees ang mga naitalang datos batay sa isinagawang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga imprastraktura, lansangan, agrikultura at mga pribadong ari-arian sa lalawigan ngayong ika-30 ng Hulyo 2024 sa Provincial Capitol dulot ng matagalang pagbuhos ng ulan at pagbaha na sanhi ng Habagat na pinalakas ni Bagyong Carina noong nakaraang linggo, naitala ng PDRRMO ang ₱166 Milyon na pagkasira ng mga pananim sa sektor ng agrikultura, habang ₱1,794,850 halaga ang pinsala sa industriya ng paghahayupan sa lalawigan.
Ang mga apektadong sektor ay agarang bibigyang tulong sa ilalim ng Early Recovery Program na inihanda ng Provincial Veterinary Office at Provincial Agriculture Office sa pamamagitan ng cash at seedling assistance.
Nag-ulat naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kanilang operational briefing para sa kanilang isinasagawang Containment Operation sa oil spill na dulot ng paglubog ng oil tanker na MT Terra Nova, na may kargang tinatayang 1,400 metric tons ng langis na lumubog sa bisinidad ng Bataan sa Manila Bay.
Sa report ng Batangas PCG, nakikipagtulungan na ang kanilang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan na malapit sa areas of concern dahil maaaring umabot ang tagas ng langis sa Batangas, partikular sa kanlurang baybayin nito.
May ilang mga balita na rin oil spill sa ilang bayan sa Lalawigan ng Cavite na nakaharap sa Manila Bay.
Inihahanda na ng Batangas PCG at MMDRMO ng mga bayan ng Nasugbu, Lian at Calatagan ang ang mga indigenous oil booms, at palalakasin ang coastal monitoring and patrol upang agarang mapaghandaan at mapigilang umabot pa sa katubigan at baybayin ng Batangas ang mga tagas ng langis,
Batay sa isinagawang simulation at wind forecast model, may posibilidad na mapadpad sa coastal areas ng Batangas ang oil spill. Edwin Zabarte, Photo by Macven Ocampo –Batangas Capitol PIO