Pinagsama-samang Pwersa ng mga Batangas Province Councils, Nagsagawa ng Pagpupulong

Bokal Mon Bausas, Pumanaw Na
February 27, 2018
Luksang Parangal Para kay Bokal Ramon Bausas, Idinaos sa Apolinario Mabini Legislative Building
March 1, 2018

Joint Councils Meeting for a Rich Batangas. Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas ang joint meeting ng Batangas Province Investment Council (BPIC), Information and Communication Technology (ICT) Council of the Province of Batangas, Batangas Tourism Council (BTC), Metro Batangas Business Club Inc., at Batangas Forum for Good Governance, Inc. na ginanap sa Bulwagang Batangan ng Office of the Provincial Governor sa Lungsod ng Batangas noong ika-26 ng Pebrero 2018. Kabilang sa mga dumalo si Tourism Information Board Chief Operating Officer Cesar Montano. Ma. Cecilei De Castro / Photo: Karl Ambida - Batangas PIO Capitol

February 28, 2018

Joint Councils Meeting for a Rich Batangas. Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas ang joint meeting ng Batangas Province Investment Council (BPIC), Information and Communication Technology (ICT) Council of the Province of Batangas, Batangas Tourism Council (BTC), Metro Batangas Business Club Inc., at Batangas Forum for Good Governance, Inc. na ginanap sa Bulwagang Batangan ng Office of the Provincial Governor sa Lungsod ng Batangas noong ika-26 ng Pebrero 2018. Kabilang sa mga dumalo si Tourism Information Board Chief Operating Officer Cesar Montano. Ma. Cecilei De Castro / Photo: Karl Ambida – Batangas PIO Capitol

Isang pagpupulong ukol sa pagbabalik-tanaw sa mga natapos na proyekto noong 2017 at mga planong aktibidad ngayong taon ang magkakasamang isinagawa ng Batangas Province Investment Council (BPIC), Information and Communication Technology (ICT) Council of the Province of Batangas, Batangas Tourism Council (BTC), Metro Batangas Business Club Inc., at Batangas Forum for Good Governance, Inc. ang ginanap sa Bulwagang Batangan ng Office of the Provincial Governor (OPG) noong ika-26 ng Pebrero 2018.

Ang joint council meeting ay pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas kasama ang lahat ng mga  opisyal at miyembro na bumubuo ng pinagsamang konseho na kinabibilangan nina Mr. Warlito P. Guerra ng Batangas Province Investment Council ng (BPIC); Mr. Juan Lozano ng Batangas Tourism Council (BTC); Mr. Francisco Lirio ng Batangas Forum for Good Governance Inc.; Mr. Rene Lopez at Ms. Concepcion Quimzon ng Provincial Information and Communication Technology Council (PICTC);  Provincial Planning Development Coordinator Benjamin I. Bausas; Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan; at Mr. Cesar Montano, Chief Operating Officer ng Tourism Information Board.

Inilahad ng bawat council member ang kani-kanilang mga panukalang proyekto na maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng mga bumubuo nito para sa aktibo at progresibong  Lalawigan ng Batangas.

Ilan sa mga nabanggit ay ang pagkakaroon ng tinatawag na e-Hub o electronic Hub sa mga barangay at Farming Mechanization o pagpapagawa ng mga makabagong makinarya para sa pag-ani at produksyon ng kape na magsisilbing tulay at gabay sa modernong panahon, katulong ang Batangas State University College of Engineering.

Dagdag pa rito, ang pagbibigay ng suporta sa mga imprastraktura, pangangalaga at pagpapanatili ng mga Cultural Heritage ng Batangas at ang pangangalaga ng tatlong mahahalagang baybayin sa lalawigan na kinabibilangan ng Batangas Bay, Balayan Bay at Tayabas Bay.

Sa mensahe naman ni Gov. Dodo Mandanas, ipinahayag nito na sa pagsusulong ng pag-amyenda sa Saligang Batas na maging Federal System, isa lamang umano ang kanilang kahilingan at ito ay ang pagkakaroon ng malakas na Local Autonomy sa mga lalawigan.

Ito aniya ang paraan upang mapabilis ng mga local government units ang mga programang pangkaunlaran nito at maging daan upang ang mga malalaking industriya at transportation hubs ay mailipat na sa mga lalawigan upang makatulong sa decongestion o pagpapaluwag ng Metro Manila.

Kaugnay nito, binigyang-linaw din ng gobernador  na ang dahilan ng pagpapaganda at pagsasaayos ng buong lalawigan ay para sa mga ipinagmamalaking mamamayan nito, ang mga Batangueño, na siyang pangunahing likas yaman ng Batangas at may malaking potensiyal na maging mga susunod na mamumuno sa mga darating na henerasyon, taglay ang dignidad at integridad.   Ma. Cecilei De Castro – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.