PhP 3 Milyon Ilalaan para sa “Batangas Karamay ng Marawi”

B’yaheng Taiwan para Manghikayat ng Investors, Pinangunahan ni Gov. Dodo
June 29, 2017
Walk a Mile in Her Shoes Charity Walk Isinagawa sa Batangas
June 30, 2017

June 30, 2017

Bilang pakikiisa at pagtulong ng mga Batangueño sa mga kapwa Filipino sa bayan ng Marawi, na kasalukuyang nakararanas ng paghihirap at nahaharap sa matinding mga pagsubok, pinasimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang proyektong “Batangas Karamay ng Marawi.”

Sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, ikinasa ng pamahalaang panlalawigan ang planong maglaan ng PhP 3 Milyon para sa Marawi na kukunin sa 30% 2017 Quick Response Fund (QRF) na bahagi ng 5% Disaster Risk Reduction and Management Fund ng Batangas Province.

Ang nasabing pondo ay hangad na mailaan para sa makapagbigay ng karagdagang financial assistance sa mga biktima ng krisis, kabilang ang mga pamilya ng mga sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa mga terorista at mga evacuees o “bakwit” mula sa Islamic City of Marawi.

Kaugnay nito, naghain ng pormal na kahilingan sa Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang executive department upang magpasa ng ordinansa na nagbibigay pahintulot sa gobernador na magamit ang bahagi ng 5% Disaster Risk Reduction and Management Fund ng lalawigan. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.