PHIVOLCS Earthquake Briefing Sa Kapitolyo

State of Calamity Idineklara sa Mabini, Tingloy at Batangas City
April 11, 2017
PDRRMC Meeting Ukol sa Pagresponde sa Lindol, Pinangunahan ni Gov. Mandanas
April 11, 2017

Batangas Phivolcs Earthquake Briefing. Isang presentasyon ang personal na pinangunahan ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director, Dr. Renato Solidum, Jr. (inset) para magpaliwanag sa mga Batangueño tungkol sa mga katangian ng lindol at magbigay ng dagdag kaalaman at paalala para maging ligtas sa panahong ito ay maganap. Nangyari ito noong ika-10 ng Abril 2017 sa pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, sa Provincial Auditorium, Batangas City, matapos ang magkakasunod na lindol na yumanig sa Lalawigan ng Batangas noong ika-4 at 8 ng Abril 2017. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - PIO Batangas Capitol

April 11, 2017

Batangas Phivolcs Earthquake Briefing. Isang presentasyon ang personal na pinangunahan ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director, Dr. Renato Solidum, Jr. (inset) para magpaliwanag sa mga Batangueño tungkol sa mga katangian ng lindol at magbigay ng dagdag kaalaman at paalala para maging ligtas sa panahong ito ay maganap. Nangyari ito noong ika-10 ng Abril 2017 sa pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, sa Provincial Auditorium, Batangas City, matapos ang magkakasunod na lindol na yumanig sa Lalawigan ng Batangas noong ika-4 at 8 ng Abril 2017. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – PIO Batangas Capitol

Hinikayat ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director, Renato Solidum ang mga Batangueño na maging kalmado, itoy matapos yanigin ng magkakasunod na lindol ang Lalawigan ng Batangas noong ika-4 at 8 ng Abril 2017.

Ang mga nasabing pagyanig ay nagdulot ng takot at agam-agam sa mga mamamayan ng lalawigan dahilan upang ang mga ito ay magtungo sa mga designated evacuation centers sa kanilang mga kumunidad.

Kaharap ang buong pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Batangas Governor Hermilando I. Mandanas kasama ang mga opisyal ng iba’t-ibang ahensya at tanggapan ng Kapitolyo at council members ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, isang earthquake briefing ang ipineresenta nito upang mas maintindihan ng publiko ang mga katangian ng pag-lindol.

Isa sa mga pinagtuunan ng pansin ay ang mga unang hakbang na gagawin sa oras na maramdaman ang pagyanig o pagsasagawa ng duck, cover and hold at wastong evacuation procedures matapos ang lindol.

Ipinaalam din nito sa publiko ang pinasimpleng paraan upang maintindihan ang magnitude at intensity ng pagyanig na maaring magdulot ng maliliit at malawakang kapinsalaan sa imprastraktura, ari-arian at ganon na rin ang malakihang bilang ng pagkawala ng buhay.

Pinabulaanan din ni Solidum na walang katotohanang ang ilang mga nababasang mga impormasyon at kumakalat na balita sa social media .

Matatandaan na noong Abril 4 agad na sumulpot sa mga social media sites ang mga balitang pagputok ng bulkan at pagkakaroon ng tsunami. Ayon kay solidum, ang sunud-sunod na pag-galaw ng lupa sa ilang parte ng lalawigan ay bunsod ng tinatawag na earthquake swarm na sanhi ng pagkilos ng isang lokal na fault line malapit sa Mabini at Tingloy.

Ang mga earthquake swarm na ito ay nagdudulot ng bahagyang malakas na pagyanig hangang sa mahihinang pagyanig na siyang nararamdam sa lalawigan sa kasalukuyan. Nilinaw nito sa publiko na ang madadalas na ang mga pagalaw ng faultline ay di hindi magdudulot ng tsunami at pagputok ng mga bulkan at walang koneksyon sa kinatatakutang the BIG One o yun pagalaw ng West Valley Fault na matatagpuan malapit sa Metro Manila / Edwin V. Zabarte OPG-PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.