Philippine Development Plan CALABARZON Roadshow, gaganapin sa Batangas Capitol

Mga Kabalikat sa Bawat Komunidad
July 12, 2017
Trabaho at Hanapbuhay para sa Batangueño
July 14, 2017

July 13, 2017

Nakatakdang ganapin ang CALABARZON Roadshow sa Batangas Provincial Capitol sa Lungsod ng Batangas sa ika-28 ng Hulyo 2017 para lubusang maitaguyod ang Philippine Development Plan 2017-2022 sa Region IV-A.

Sa pagtutulungan ng National Economic Development Authority Region IV-A at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ang aktibidad ay naglalayong mas maipagbigay alam sa publiko ang mga nilalaman ng nasabing development framework ng Duterte administration at upang makakuha ng suporta mula sa pribado, pampubliko at civil society organizations para sa pagbalangkas ng mga estratehiya para sa kaunlarang kasama ang lahat ng mamamayan.

May mga resource speakers na inimbita upang talakayin ang 3 main strategies o commitments na “Malasakit” o ang pagpapalakas ng kultura at kaugaliang Pilipino; “Pagbabago” o pagpaparami ng opurtinidad para sa pag-unlad ng buhay; at “Patuloy na Pag-unlad.”

Bilang host province, gaganapin ang mga aktibidad sa Kapitolyo sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, na siya ring NEDA Regional Development Committee for Luzon at CALABARZON Regional Development Council chairperson.

Kabilang sa mga programang isasagawa ay ang parade at poster making contest; Serbisyo para kay Juan at Juana, kung saan may medical at dental missions, job fairs, libreng gupit, at iba pa; at mga symposiums at talks tungkol sa mga piling mga paksa. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.