Phil ID Registration para sa mga Capitol Employees, Isinasagawa

Livelihood Settlement Grants Iginawad sa mga Dating Rebelde
August 21, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF 14 UNITS HOSPITAL BED, 2 CRANKS HEAVY DUTY WITH LEATHERETTE MATTRESS FOR USE OF VARIOUS DISTRICT HOSPITALS IN THE PROVINCE OF BATANGAS
August 23, 2021

August 21, 2021

Sinimulan kahapon ang pagpaparehistro ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa kanilang Philippine Identification (PhilID) card sa pamamagitan ng institutional registration ng Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan nagtutungo ang nasabing ahensya sa mga tanggapan at kompanya para mapabilis ang pagkuha ng pambansang pagkakakilanlan.

Ang nasabing registration ay naisagawa sa pakikipag-ugnayan ni Gov. DoDo Mandanas sa PSA.

Ayon kay Ginoong Raul Maximo Tolentino, ang Chief Statistical Specialist ng PSA Batangas Provincial Office, target nila ngayong taon na umabot sa mahigit 1 milyon ang makapagparehistro sa Lalawigan ng Batangas. Sa kasalukuyan, nasa 633,954 na ang nakapagpatala, samantalang 25,452 sa mga ito ang nakatanggap na ng kanilang Phil ID.

Dagdag pa ni Tolentino, operational ang mga PSA Registration Centers sa 34 na local government units ng Batangas, bukod sa mga patalaan sa SM malls, WalterMart, Lima Technology Center, PKI at Epson Philippines.

Prayoridad ng PSA sa mga registration centers ang mga pre-registered na at nakakuha ng online sa pamamagitan ng website na register.philsys.gov.ph.

Nagpasalamat naman si Governor Mandanas sa PSA sa pagsasagawa ng mga ito ng Phil ID registration para sa mga empleyado ng Kapitolyo. Hinikayat din nito ang mga kababayang Batangueño na magparehistro na.

Mon Antonio Carag III, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.