PDRRMC Meeting Ukol sa Pagresponde sa Lindol, Pinangunahan ni Gov. Mandanas

PHIVOLCS Earthquake Briefing Sa Kapitolyo
April 11, 2017
Batangas Nanatiling Matatag at Ligtas
April 11, 2017

April 11, 2017

Dahil sa sunud-sunod na pagtama ng lindol sa Lalawigan ng Batangas, agarang nagpatawag ng isang pagpupulong si Governor Hermilando I. Mandanas bilang chairperson ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council noong ika-10 ng Abril 2017 sa Provincial Auditorium, Batangas City.

Sa huling tala ng PDRRMO, kabilang sa mga naapektuhan ang 3,508 pamilya kung saan 11,348 Batangueño ang direktang apektado. Mayroon ding 810 bahay na partially damaged samantalang 822 naman ang totally damaged. Nasa 9,660 Batangueño ang nagpunta sa evacuation sites at 1,688 naman ang kinupkop ng kanilang pamilya. Tatlong Batangueño naman ang naitalang nasugatan mula sa nangyaring lindol.

Ayon kay Governor Mandanas, nais niyang maglaan ng pondo na tutugon sa lahat ng pangangailangan ng mga Batangueño na naapektuhan ng mga lindol noong ika-4 at ika-8 ngAbril. Pinasalamatan din ng gobernador ang iba’t ibang ahensya na nagpaabot ng tulong sa lalawigan. Binanggit niya na nagpahatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development Office, Office of Civil Defense, Philippine Red Cross, Department of Health, SMART Communications at Rotary Club of Manila.

Kaagad na nagpadala sa mga evacuation centers sa Mabini, Tingloy at Bauan ng blankets, bottled water, tents, food packs, high energy biscuits, tarpaulin sheets at generators. Nagkaroon din ng Open Kitchen ang Provincial Social Welfare and Development Office at Red Cross kung saan nabigyan ng hot meals ang ilang libong evacuees. Nagsasagawa din ang DOH, PHO, DSWD, PSWDO at Red Cross ng free check up, psycho social process at stress debriefing para maagapan ang post traumatic stress disorder mula sa phobia o stress na naranasan sa mga nagdaang lindol.

Samantala, ang Department of Public Works and Highways, Philippine Institute of Civil Engineers at Provincial Engineer’s Office ay nagpadala na ng mga kinatawan na sa buong lalawigan para sa assessment ng mga imprastraktura lalo na ng mga kalsada, tulay, patubig, eskwelahan at simbahan. Ang assessment na ito ang tutukoy kung ang mga gusali ay ligtas pang gamitin ng publiko sa mga susunod na araw.

Humingi din ang gobernador ng report mula sa Provincial Government Environment and Natural Resources Office para sa naging pinsala sa likas na yaman sa lalawigan. Napabatid sa gobernador na nagkaroon ng undersea landslide ng corals sa Mabini matapos ang lindol. Isang koordinasyon din sa Malampaya ang binigyang pansin para masiguro na ang paggalaw ng pipeline nito ay hindi maaapektuhan ang Verde Island Passage.

Personal namang iniabot ni Gov. Mandanas ang formal letter of request kay Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno para sa mabilis na release ng budget para sa nangyaring lindol sa Batangas. Ang koordinasyon sa OCD at DPWH ang nakatulong magkaroon ng initial damage assessment na isinumite sa DBM kasabay ng nabanggit na request letter para magkaroon ng access sa calamity fund mula sa national government.

Kabilang din sa agarang tulong o resolusyon na maipahahatid ng pamahalaang panlalawigan ay ang pagkakaloob ng financial assistance, semento at yero sa mga nasalanta at pamimigay ng survival or first aid kits sa mga barangay health workers.

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.