PDC Muling Nakiisa sa Ginanap na Joint General Assembly Meeting

PNP PD, Nag-ulat sa SP tungkol sa Peace and Order sa Batangas Province
June 27, 2018
Drug Free Batangas, Pangunahing Paksa ng Provincial Anti-Drug Abuse Council
June 28, 2018

Together We Are One. Muling nagsama-sama ang iba’t-ibang konseho at komitiba ng Lalawigan ng Batangas sa ginanap na Joint General Assembly Meeting, na pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, na idinaos sa Bulwagang Batangan ng Capitol Building, Capitol Site, Batangas City noong ika-27 ng Hunyo 2018. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig at Jean Alysa Guerra / Photo by Maan Joy Saluta – Batangas Capitol PIO

June 28, 2018

Together We Are One. Muling nagsama-sama ang iba’t-ibang konseho at komitiba ng Lalawigan ng Batangas sa ginanap na Joint General Assembly Meeting, na pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, na idinaos sa Bulwagang Batangan ng Capitol Building, Capitol Site, Batangas City noong ika-27 ng Hunyo 2018. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig at Jean Alysa Guerra / Photo by Maan Joy Saluta – Batangas Capitol PIO

Sa patuloy na pagsusumikap na mapag-ibayo ang tuloy-tuloy na pag-unlad patungo sa isang Rich Batangas, muling isinagawa sa pangunguna ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang isang makabuluhang Joint Assembly Meeting na binubuo ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) na ginanap sa Bulwagang Batangan ng Capitol Building, Capitol Site, Batangas City noong ika-27 ng Hunyo 2018.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga Local Chief Executives mula sa mga lungsod at munisipalidad ng Batangas gayundin ng mga kinatawan mula sa bawat distrito ng lalawigan, national agencies, mga kabalikat ng pamahalaang lokal sa iba’t ibang sector at mga Department Heads ng bawat tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan.

Layunin ng nasabing pagtitipon ang makapaglahad ng mga updates pati na rin ang mga accomplishment reports ng bawat konseho at mga nasasaklaw nitong komite kung saan pinagtitibay ang mga existing projects at mga maaari pang isagawang programa.

Pagpapatibay sa PDC

Sa naging mensahe ni Governor Dodo Mandanas, inihayag niya ang mas komprehensibong plano para sa mas pinatatag na PDC. Sa pamamagitan ng Local Government Code of 1991, Section 112 at DILG Memorandum Circular No. 2007-114 na naging legal na basehan, binuo ang mga PDC Sectoral o Functional Committees na magbibigay daan sa mas mabilis at pinalakas na pagpapatupad ng mga ilalatag na programa na tutugon sa mga pangagailan ng bawat mamayang Batangueño .

Kaugnay nito, naging batayan rin ang Executive Order No. 2HIM¹ – 12 na tumutugon sa paglikha ng nasabing mga komite.

Ang mga sectoral committee ay bumabaybay sa mga programang nakapaloob sa Economic Development, Social Development, Environmental Management, Infrastructure Development at Institutional Development.

Sa pahayag ng gobernador bilang Chairperson ng Region IV-A (CaLaBaRZon) Regional Development Council at Regional Development Committee for Luzon Area, nais niya na magkaroon ng adaptation ng RDC Resolution na naglalayong mahikayat ang mga barangay at munisipalidad na makapag pasa ng isang interconnectivity resolution.

Pangkabuhayan para sa bawat Batangueño

Sa pangunguna ni Gng. Celia A. Atienza, Department Head ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) at Chairperson ng Sectoral Committee on Economic Development, binalangkas niya ang mga naging accomplishments at mga plano ng nasabing konseho.

Ilan sa kanyang mga nabanggit ay ang paglalagay ng mga produktong itlog ng manok sa 2018-2020 at iba’t-ibang Farm-to-Market Road (FMR) projects sa 2016-2019 Provincial Commodity Investment Plan (PCIP) ng probinsya ng Batangas sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP).

Dagdag pa rito, ang resolusyon naman patungkol sa sugarcane, sa kabutihang palad, ay napagbigyan ng Department of Agriculture (DA) na magsagawa ng Valid Chain Analysis (VCA) na, ayon sa DA, ay natatangi sa lalawigan.
Naglaan naman ng pondo ang pamahalaang panlalawigan para sa food terminal, fish port, slaughter house, at pag-angkat ng bigas.

Yakap Bayan Program para sa mapayapang komunidad

Binigyang diin ni PSWDO Department Head at Sectoral Committee on Social Development (SCSD) Chairperson Mrs. Jocelyn Montalbo, ang tungkol sa Yakap Bayan Program na inilatag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan ay patuloy na nagbibigay ng kakayahan sa mga dating drug dependents na maging produktibong lider ng komunidad, boluntaryong tagapagtaguyod ng programang ito, at maging umpisa ng pagbabago.

Pagtataguyod ng pagkakaisa para sa Kalikasan

Ipinagbigay alam ng tanggapan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ang paggarantiya ng honoraria para sa mga miyembro ng sectoral committee ng pamamahalang pang kapaligiran; muling pagbubuo ng Batangas Environment Protection Council (BEPC) bilang pagtatakda sa Provincial Ordinance No. 005 year 2008; at, pagpapatibay ng ordinansang panlalawigan na nag-aatas sa lahat ng lungsod at munisipalidad na makapagpatayo ng isang Septage Management System sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa Water Utility Concessionaires o Providers.

Pagkakaroong ng Telekomunikasyon, pinagtuunang pansin

Sa ulat ni Engr. Gilbert P. Gatdula, Provincial Engineer at Chairperson ng Sectoral Committee on Infrastructure Development (SCID), ibinahagi niya ang mga resolusyon na naaprubahan, kabilang dito ang pagsasama ng Department of Education – Batangas bilang miyembro ng SCID, pag endorso ng Batangas Province Local Roads Network Development Plan (LRNDP) 2018 – 2022 at iba planong maisakatuparan para sa taong kasalukuyan.

Binigyang pansin din ang isang proposed ordinance mula sa akda ni Board Member Arthur G. Blanco na tumatalakay sa transportasyon at kalsada sa lalawigan ng Batangas.

Samantala, ayon sa naging pahayag ng Gobernador, isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin sa nasabing komite ay ang telekomunikasyon kung saan mahalaga aniya ito at tiyak na mapapakinabangan lalo na ng mga kabataan. Inihalintulad niya ang importansya nito sa kasalukuyan, mula sa paghahambing sa kahalagahan ng tubig at kuryente.

Annual Investment Program, tinalakay

Bilang bahagi ng pag-uulat ng Sectoral Committee on Institutional Development (SCID), isinalaysay ni Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan, Vice Chairperson ng SCID, ang Annual Investment Program (AIP) ng probinsya. Dito, binanggit niya na ang AIP ay may tatlong sektor: ang General Public Services, Social Services, at Economic Services na kung saan ay binibigyan nilang pansin upang mapaglaanan ng budget. – Mark Jonathan M. Macaraig at Jean Alysa Guerra – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.