Para sa mas ligtas na Batangas

Batangas Province-Korecen Partnership
August 4, 2016
San Pascual Agri-Trade Fair
August 5, 2016

Para sa mas ligtas na Batangas – Ipinakita kay Governor Hermilando I. Mandanas ng Korean company na Korecen Co., Ltd noong ika-4 ng Agosto, 2016 ang kanilang biometrics at security products na ipagkakaloob sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Kabilang sa mga produktong ito (mula kaliwa pakanan) ang LED Street Light na ginawa para makatipid mula sa 60-70 porsyentong kunsumo ng kuryente; LED Security Light CCTV na hindi lamang all in one product kung hindi eco-friendly at energy-efficient din, Finger Vein Reader para sa sa access control at time attendance; at Finger Vein Registration Device para sa pagrehistro ng finger vein templates at pagbuo ng mas matatag na network environment. Sa pamamagitan ng tulong mula sa Korecen, hangad ni Governor Dodo na lalo pag paigtingin ang kaligtasan at kaayusan sa buong lalawigan.   Kristina Marie Joy B. Andal/Photo by Louie Hernandez – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply