Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, Magsasagawa ng Fundraising Concert

Lodlod National High School, Wagi sa CALABARZON Tanghalang Pangmamimili 2018
December 3, 2018
Retirees ng Kapitolyo, Pinarangalan
December 3, 2018

December 3, 2018

Sa diwa ng Kapaskuhan, magsasagawa ng isang fund-raising concert ang Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan (SK), sa pangunguna ni Board Member Hannah Beatrice Cabral, ang kasalukuyang SK President ng Lalawigan ng Batangas, para sa ilang mga benepisyaryo.

Sa gabay ng temang “Empowering the Youth: Recharge, Revive, Renew,” layon ng naturang proyekto, hindi lamang ang mabigyang aliw ang mga kabataan sa lalawigan, kundi pati na rin ang makakolekta ng pondo para sa Aeta Tribal Community sa bayan ng Rosario, na pangunahing benepisyaryo ng proyekto, at Pamaskong Handog para sa out-of-school youth sa lalawigan.

Sa halagang 250 pesos na ticket, mapapanood sa concert ang mga tampok na kilalang personalidad sa larangan ng musika sa bansa gaya ni Aia De Leon ng bandang Imago, bandang SUD, DJ Patty Tiu at ibang pang mga guest performers. Gaganapin ito sa ika-15 ng Disyembre 2018 sa Batangas Provincial Sports Complex. ✐ Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.