Panlalawigang Aklatan, Iniulat ang mga Serbisyo

Capability Building Programs para sa Lalawigan ng Batangas, tinalakay
November 15, 2018
Independent Living and Peer Counselling, Paksa sa PWD Training
November 19, 2018

November 19, 2018

Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika-19 ng Nobyembre 2018, iniulat ni Batangas Provincial Librarian Rosita V. Masangkay sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation ang mga proyekto at accomplishments ng nasabing tanggapan para sa taong 2018.

Ang Batangas Provincial Library, isang tanggapan sa ilalim ng Sangguniang Panlalawigan, ay may adhikaing makapagbigay ng libreng serbisyo na tumutugon sa pagbabago ng mga pangangailangan ng komunidad sa pamamagitan ng pagtataguyod ng malawak na hanay ng kaalaman, karanasan, impormasyon at mga ideya sa lahat ng mamamayan.

Bahagi ng mga natapos at patuloy na inilulunsad na programa ng Panlalawigang Aklatan ang reading development and lifelong learning kung saan naglulunsad ng mga aktibidad tulad ng storytelling, impormasyon sa pagbasa ng literatura, workshops sa tulong ng pakikipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon upang palakasin ang mga kasanayan sa pag-aaral at pananaliksik ng mga estudyante.

Ilan pa sa kanilang accomplishments ay ang pakikiisa sa nagdaang Brigada Eskwela, pagsasagawa ng 5K Para Maging Ok sa Aklatan Project, isang literacy Program at Reading Material Donation para sa mga inmates ng Batangas Provincial Jail. Pagsabay sa makabagong panahon ng pagbabahagi ng kaalaman sa tulong ng Provincial Archives and Digitization Iniative at Information Technology and Academic Research Support.

Simula naman sa buwan ng Enero hanggang Oktubre ng taong ito ay nakapag tala ang Batangas Provincial Library ng kabuuang 10,171 na bilang na mga nagtungo sa aklatan.

Samantala, bilang pakikiisa sa 28th Library Information Services Month ngayong Nobyembre na may temang “Ang Kulturang may Malasakit, sa Silid-Aklatan ay Makakamit”, nagdaos ang Panlalawigang Aklatan ng isang seminar para sa mga Public Librarians ng probinsya na tumalakay sa paksang Innovative Approach in Children’s Librarianship and Records/Archives Management.

Bisyon ng Provincial Library ang maging pangunahing aklatan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon at inspirasyon sa mga komunidad sa lalawigan upang ang mga ito ay maging higit na matatag, mas may sapat na kaalaman, mas konektado at mas matagumpay sa buhay. ✎Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.