October 7, 2024
Itinanghal na 2024 Huwarang Pamilya for Provincial Capitol Employees ang pamilya ni Arnel Saguid ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) noong ika-7 ng Oktubre 2024 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.
Ang pamilya Saguid ay mula sa Bolbok, Batangas City, at nahirang na isang modelong mag-anak sang-ayon sa pagtatasa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Ang pagkilala ay kaugnay ng pakikibahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa selebrasyon ng National Filipino Family Week tuwing huling linggo ng Setyembre, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 60.
Ang pagdiriwang na ito ay nagbibigay ng pagkakataon na maitampok ang mahalagang papel na ginagampanan ng bawat pamilya sa pagpapalago ng komunidad at bansa. Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Pamilyang Tumutugon sa Pagbabago ng Panahon.”
Tumanggap sina Arnel at kanyang pamilya ng Plaque at Cash Award na ₱30,000, na personal iginawad ni Governor DoDo Mandanas, kasama ang ilang mga Board Members ng Sangguniang Panlalawigan at mga department heads ng Kapitolyo.
✎: Janssen Olimba / 📷: Francis Milla – Batangas Capitol PIO