Pamamahagi ng Sentinel Pigs, Muling Isinagawa ng Batangas ProVet, DA-4A

Notice of Vacant Position
June 23, 2022
Barangay Tanod Federation, Dumalo sa 2nd Quarterly Meeting
June 26, 2022

June 24, 2022

Patuloy ang pagsasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office (ProVet), ng Sentinel and Repopulation Program o pamamahagi ng mga biik sa mga hog farmers sa mga lugar sa lalawigan na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Layunin ng proyektong ito, katuwang ang Department of Agriculture-Region 4A (DA-4A), na mabigyan ng panibagong panimula ang mga nag-aalaga ng baboy at mapatunayan na wala na ngang infectious diseases sa mga bayan at lungsod ng lalawigan.

Kabilang sa mga naabot na ng proyekto ang mga bayan ng Lobo, Ibaan, San Jose, San Luis, San Nicolas, Nasugbu, Tuy, Malvar, San Juan at Batangas City.

Ayon sa naging panayam kay Dr. Annierica Lajarca Cascalla, Veterinarian IV ng ProVet, ang mga sentinel pigs na ito ay ipinapapamigay sa mga hog farmers upang maobserbahan at matiyak na negatibo na ang mga lugar sa ASF at iba pang nakahahawang sakit, at maaari na muling masimulan ang pagpapadami ng mga baboy.

Aabot sa 320 piglets ang naipamahagi noong June 21,2022 sa Provincial Veterinary Office, ang ikatlong pagkakataon nang namigay ng mga sentinel pigs sa lalawigan.

Inaasahan na sa dulo ng programa, muling mapaparami ang hog population sa Batangas at mapapataas muli ang supply ng karneng baboy na ibinebenta sa merkado, na bahagi ng programa ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, na mapalago pang lalo ang agricultural production sa lalawigan.

Janssen Olimba / Eric Arellano Batangas Capitol – PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.