Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Miyembro ng Fisheries Management Team

Notice of Vacant Positions
October 5, 2021
Invitation to Bid (October 27, 2021)
October 7, 2021

October 6, 2021

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), ay opisyal na inanyayahan ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 4A (DA-BFAR 4A) na maging bahagi at miyembro ng Ecosystem Approach to Fisheries Management (EAFM) Team para sa Fisheries Management Area (FMA) 12.

Ang FMAs ay binuo sa pamamagitan ng Fisheries Administrative Order (FAO) No. 263 o “Establishment of Fisheries Management Areas (FMA) for the Conservation and Management of Fisheries in Philippine Waters” noong ika-9 ng Pebrero 2019, upang magkaroon ng “science-based, participatory and transparent governance framework and mechanism” para magkaroon ng maayos na pamamahala sa mga pangisdaan sa bansa.

Saklaw ng FMA 12 ang sampung lalawigan, na may walumpu’t limang coastal na mga bayan, kabilang ang Aklan, na may 11, Antique, na may isa, Capiz, na may 3, Marinduque, na may 6, Masbate, na may 4, Occidental Mindoro, na may 5, Oriental Mindoro, na may 13, Quezon, na may 12, Romblon, na may 17, at Batangas, na may 13 – Batangas City, San Juan, Lobo, San Pascual, Bauan, Mabini, Tingloy, San Luis, Taal, Lemery, Calaca, Balayan at Calatagan.

Sa pagpapatupad ng FAO 263, layunin na makapagtatag ng 12 na FMAs, na naaayon sa mga prinsipyo ng EAFM, at nakaangkla sa seguridad ng pagkain at karagdagang kabuhayan para sa pagpapagaan ng kahirapan sa mga pangisdaan.

Pangunahing gawain ng EAFM Team ay magtipon at tumalakay sa mga magiging programa kaugnay sa pagresolba sa mga isyu at problema, matukoy ang mga estratehiya at polisiya, at maihanda ang mahahalagang impormasyon na kakailanganin para sa pagbuo ng EAFM Plan. Ang EAFM Plan ang magiging basehan para sa maayos at matagumpay na pagpapatupad ng mga programa at gawain sa FMA.

Ang magiging pagganap ng PGENRO sa tungkuling ito ay kaugnay pa rin sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas tungo sa isang maayos, malinis at masaganang karagatan at kapaligiran sa buong lalawigan sa kabila ng umiiral na pandemya.

PGENRO – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.