Pamahahagi ng Laptops, Educational Assistance, Honorarium sa mga volunteer workers, Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan

Higit P450K na Agri Inputs, Ipinamahagi ng Kapitolyo sa mga Magsasaka ng Rosario
February 17, 2022
Invitation to Submit Quotation – Shopping (February 17, 2022)
February 17, 2022

February 17, 2022

Iba’t ibang mga programa na nakatuon sa edukasyon at kagalingang panlipunan ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, ngayong araw ika-17 ng Pebrero 2022 sa Bayan ng Rosario, Batangas.

Pinangunahan ng Provincial School School Board ang pamamahagi ng may 210 laptops para sa mga elementary at secondary public school teachers ng naturang bayan.

Layunin nito na mabigyang halaga ang mga pampublikong guro na patuloy na nagsusulong ng dekalidad na edukasyon sa lalawigan. Makakatulong din ang mga ito sa wastong pagbabahagi ng mga leksyon ng mga mag-aaral, partikular sa isinasagawang mga klase online ngayong panahon ng pandemya.

Ipinagpatuloy rin ng Scholarship Division ng Office of the Provincial Governor ang pagkakaloob ng educational assistance sa mga iskolar.

Samantala, pinangasiwaan naman ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pagbibigay ng tulong sa mga barangay, at honorarium para sa mga magigiting na katuwang ng Kapitolyo sa serbisyo publiko, na boluntaryong mga naglilingkod, kabilang ang mga Child Development Workers, Parent Leaders, Persons with Disability Presidents, at Senior Citizens.

Personal at aktibong nakiisa sa ginanap na serye ng mga aktibidad sina Governor DoDo Mandanas at Vice Governor Mark Leviste, kasama sina 4th District Board Members Jonas Patrick Gozos at Jesus De Veyra, 4th District Congresswoman Lianda Bolilia, AnaKalusugan party-list nominee, Atty. Gina Reyes-Mandanas, at mga ilang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.