Paligsahan sa Pag-awit ng Kundiman, Itinanghal sa Kapitolyo

Batangas Coastal Resource Management Foundation Meeting, Isinagawa
September 3, 2022
Notice of Award – Purchase and delivery of Vitamins (Sodium Ascorbate + Taurine + Zinc Sulfate)Food Supplement Syrup 120ml for distribution to Daycare and School children as part of the integrated COVID-19 Pandemic Prevention and Response Program
September 5, 2022

September 4, 2022

Itinanghal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Turismo at Ugnayang Pangkultura (PTCAO), ang Patimpalak sa Pag-awit ng Kundiman na ginanap noong ika-31 ng Agosto 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang nasabing paligsahan, na isinagawa katulong ang Sangguniang Pangkultura at Pangsining ng Batangas (BCAC) – Sektor ng Musika, ay nilahukan ng siyam na mga mang-aawit mula sa mga Lungsod ng Tanauan at Lipa; mga bayan ng Balayan, Cuenca, Ibaan, San Jose at San Pascual; at mga piling estudyante ng Batangas State University at University of Batangas.

Naging pambato ni Nathaniel C. Morada ng Lungsod ng Lipa ang piyesang “Nasaan ka, Irog?” mula sa mga titik ng tanyag na Pilipinong kompositor ng kundiman na si Nicanor Abelardo upang makamit ang unang gantimpala sa paligsahan.

Pumangalawa sa paligsahan si Hannaniah Maurice Dasalla-Mendoza ng Cuenca, habang nagtabla naman sa pangatlong puwesto sina Mienely Jane C. Correa ng Balayan at Sherimyles D. Caldoza mula sa Batangas State University.

Ilang sipi naman ng tula na katha mismo ni Gat Andres Bonifacio, na pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,” ang tinula ni Vice Governor Mark Leviste at inawit ni G. Vince Conrad, na isang Batangas Artist Awardee. Sinundan ito ng pambungad na bilang handog ng Lahing Batangan mula sa Lyceum of the Philippines University – Batangas. Nagbigay din na isang espesyal na pagtatanghal si G. Nazer Delegayo Salcedo, ang naging tagapagsanay sa Palihan ng Pag-awit ng Kundiman, punong hurado ng inampalan at tinanghal nang Hari ng Kundiman.

Sa mensahe ni Governor DoDo Mandanas, na tumatayo ring puno ng Tanggapan ng Panlalawigang Turismo at Ugnayang Pangkultura (PTCAO), binigyang-diin nito ang kahalagahan ng mga gawaing ito na bahagi na ng kabihasnan at kaugalian na humuhubog sa pagkatao ng mga Pilipinong Batangueño.

Ang gawaing ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041-1997 na nagtataguyod ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon na may temang “Filipino at Mga Katutubong Wika Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha.” Isinakatuparan ito matapos ang matagumpay na Palihan sa Pag-awit ng Kundiman.

Janssen Olimba / Photos–Junjun De Chavez Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.