“PaiSTARan sa TALAibon” Parol Making Contest, Programang Hatid para sa Taal Evacuees

Notice of Award – Purchase of Two (2) units of Ambulance with Basic Life Support Accessories to be used in Rescue and Response for Covid-19 Pandemic
December 18, 2020
2 SPES Beneficiaries ng DOLE Batangas at Pamahalaang Panlalawigan, Wagi sa Gawad Parangal
December 19, 2020

December 19, 2020

Kasabay ng patuloy na pagkalinga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal noong ika-12 ng Enero 2020 ay ang pagsasagawa ng mga programang magbibigay ng kaginhawaan at kasiyahan sa mga ito, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Kaugnay nito, ang isinagawa ng Provincial Social Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang “PaiSTARan sa TALAibon,” na layuning maipakita ang angking galing, talento, pagkamalikhain, at pagkakaisa ng mga evacuees sa isang patimpalak ng pagandahan ng parol, na kilala bilang isa sa mga simbolo ng diwa ng Paskong Pinoy at araw ng kapanganakan ni Hesus.

Ang awarding ceremony ng nasabing parol-making contest ay ginanap noong ika-11 ng Disyembre 2020, na may temang “IKAW ang STAR ng PASKO, Pag-asa ng bawat Pamilyang Batangueño.” Nilahukan ito ng may humigit kumulang 600 na pamilya na pawang mga kasalukuyang naninirahan sa Talaibon Interim Homes sa Bayan ng Ibaan.

Limang libong piso ang naging cash prize ng grand winner, habang may limang daang piso na consolation prizes para sa nga lumahok. Recycled at indigenous na mga materyales ang kinakailangang gamit sa paggawa ng parol, na nagbigay-daan sa mga evacuees na maipamalas ang kanilang pagiging mapamaraan at madiskarte.

Dahil sa banta ng pandemya na dala ng COVID-19, tinutukan ng PSWDO ang istriktong pagpapatupad ng mga itinakdang health and safety protocols, tulad ng physical distancing at pagsususot ng face mask ng mga kalahok sa proseso ng pagawa ng parol.

Ang proyektong ito ay sang-ayon sa hangarin ni Governor DoDo Mandanas na mabigyang kasiyahan ang naturang mga evacuees at maipagpatuloy ang pagsasagawa ng iba’t-ibang programa na tumutugon sa kagalingang panlipunan at pagpapaunlad.

Samantala, nagsilbing katuwang ng Kapitolyo sa pagsasagawa ng paligsahan ang mga lokal na pamahalaan ng Ibaan at San Nicolas at si 4th District Congresswoman Lianda Bolilia, na nagbigay ng mga premyo, para matiyak ang tuloy-tuloy na pag-akay at pagbibigay suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photos: Eric Arellano and Junjun De Chavez – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
11

Comments are closed.