Pagsusulong sa People’s Initiative, Suportado na ng LMP at LnB

Alay Lakad 2018 ng Batangas Province Ginanap sa Provincial Sports Complex
November 21, 2018
Demand Reduction sa Droga, Isa sa Solusyong Nakikita ng Provincial Anti-Drug Abuse Council
November 21, 2018

November 21, 2018

Nagpahayag na nang pagsuporta ang Liga ng mga Munisipalidad sa Pilipinas (LMP) at Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LnB) sa isinusulong na People’s Initiative (PI) bilang paraan upang maamyendahan ang ilang mga probisyon ng Konstitusyon ng Pilipinas.

Ang PI ay isa sa tatlong paraan ng pag-amyenda ng Konstitusyon, bukod sa constituent assembly at constitutional convention. Dito ay magkakaroon ang taumbayan ng pagkakataon upang baguhin, ipasa at maipanukala ang mga pagbabago.

Ang suporta ng dalawang liga ay labis na ikinatuwa ni Batangas Governor Dodo Mandanas, isa sa mga nangunguna sa nasabing pagkilos na nagsusumikap na mas mapalakas pa at mapagtibay ang lokal na awtonomiya sa buong bansa upang maihatid ang mga pangunahing serbisyo at programa ng mas mabilis at maayos.

Ang LMP at LnB ay mga liga na tumatayong national representatives sa pagtataguyod ng lokal na agenda. Ito ay binubuklod ng ULAP o Union of Local Authorities of the Philippines na kinikilala bilang umbrella organization ng lahat ng liga at samahan ng Local Government Units (LGUs) sa bansa at ng mga locally elected officials.

Matatandaan noong Agosto ay nagpasa ang ULAP ng isang resolusyon na kumikilala at nagpapahayag ng suporta kay Governor Mandanas sa pagsusulong ng karapatan ng mga LGUs na magkaroon ng “just share” o wastong kabahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA), alinsunod sa isinasaad sa batas.

Samantala, patuloy ang isinasagawang information campaign upang maipabatid sa publiko kung ano ang kahalagahan ng layunin ng People’s Initiative na nag-umpisa na sa ilang mga munisipalidad at barangay sa Lalawigan ng Batangas. ✎Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.