Pagsasanay sa Manicure, Pedicure, Hand at Foot Spa ng Kapitolyo, patuloy na isinasagawa

Gov. DoDo: “Gagamitin ang kapangyarihan para masugpo ang droga, krimen sa lalawigan”
May 6, 2019
Mandanas School Building, pinasinayaan sa San Roque, Bauan
May 7, 2019

May 7, 2019

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor DoDo Mandanas, ay naglalayon na patuloy na maitaas ang antas ng kakayahan at pag-unlad ng kabuhayan ng sektor ng kababaihan. Patunay dito ang isinasagawang limang araw na pagsasanay para sa Manicure and Pedicure with Hand and Foot Spa, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ang nasabing pagbabahagi ng mga kaalaman sa mga Batangueña ay nilahukan ng mahigit sa 20 na kababaihan mula sa Lungsod ng Batangas, nagsimula noong ika-7 ng Mayo 2019 sa Lingap Pangarap ng mga Paslit Center, Inc., Batangas City.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng PSWDO sa Catholic Women’s League (CWL), isang non-government organization na naitatag noong 1919.

Muling pinangunahan ni Ms. Marites De Chavez ng PSWDO ang naturang pagsasanay. Inumpisahan ang proyektong ito sa Barangay Bataan, San Juan noong ika-5 ng Marso 2019, sa gabay ng temang “Handog na Kaalaman, Hanap Buhay na Pangmatagalan”.
Ang proyekto, sa ika-limang beses, ay patuloy na inilulunsad sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan sapagkat, bukod sa in-demand ang manicure at pedicure, ito ay maaari ring gawing part-time job sa libreng oras ng mga sasailalim sa training. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.