Pagsasagawa ng Rehabilitation and Recovery Program ng Batangas, ikinasa na

Cancellation Bid Bulletin (Project No. S-002A)
November 19, 2024
Supplemental Bid No. 1 for Projects No. U-001A (December 3, 2024)
November 20, 2024

November 20, 2024

Inilatag na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang detalye ng isasagawang Rehabilitation and Recovery Program ng mga ahensyang naatasan na muling ibangon at ibalik ang sigla ng mga pamayanan na naapektuhan ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine na tumama sa lalawigan noong Oktubre 2024.

Ibinahagi ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa mga member agencies nito, kasama ang iba’t ibang mga lokal na pamahalaan sa probinsya, ang listahan ng mga naging pinsala ng malawakang pagbaha at landslides dulot ng bagyo sa mga kabahayan, sa sektor ng agrikultura, kabuhayan, road networks, at maging sa mga pribado at pampublikong imprastraktura.

Iprinisinta sa harap ng konseho ang Rehabilitation Program and Recovery Project ng probinsya, na kinabibilangan ng Programs, Projects, and Activities o PPAs na nakalatag sa mga key sector na lubos na naapektuhan ng kalamidad.

Sa mungkahing PPAs na ibinahagi ng Provincial Planning and Development Office, ang mga naitalang pagtutuunan ng pansin ay para sa housing and settlement, physical infrastructure, social services, livelihood and business development, at agriculture and livestock.

Ilan pa sa mga nakalinyang aktibidad na bibigyan ng prayoridad ay ang pagpasok sa private-public partnerships para sa pagtatayo ng mga bagong housing settlement, identipikasyon ng mga site developments, at pagtatatag ng disaster resilient communities.

Sa bahagi naman ng social services and physical infrastructure rehabilitation, nakalinya rito ang emergency shelter at financial assistance sa mga nasalanta, food for work programs, repair and rehabilitation of facilities ng mga district hospital sa lalawigan, at paghahatid ng medical and mental health support sa mga naapektuhang komunidad.

Bukod dito, tututukan din ang pagsasagawa ng mga slope protection at flood control measures and infrastructures.

Sa bahagi ng agrikultura, isasagawa ang rehabilitasyon ng mga taniman ng palay na mahalaga para sa rice production, gayun din ang pagpapalakas ng vegetable production at livestock protection para sa pagtiyak ng food security ng lalawigan sa oras ng mga kalamidad. Dagdag pa rito, kabilang din ang pagsasagawa ng climate change adaptation measures para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda.

Ang isinagawang PDRRMC meeting, na pinamunuan ni Provincial Administrator Wilfredo Racelis at PDRRM Office chief, Dr. Amor Calayan, ay ginanap sa Dalubhasaan Building, Brgy. Bolbok, Batangas City noong ika-18 ng Nobyembre 2024.

✎: Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.