Pagsasagawa ng Blood Olympics para sa Taong 2020, Tinalakay ng Batangas Blood Council

Taal Lake Bantay Lawa, Tumanggap ng Patrol Boat mula sa Kapitolyo
October 25, 2020
Notice of Vacant Position
October 28, 2020

October 26, 2020

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Sandugo Awards 2020 noong ika- 5 ng Oktubre 2020, agarang nagsawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng Batangas Blood Council upang bumalangkas o bumuo ng mga plano para maisakatuparan ang programang naglalayon na makapaglunsad ng malawakang pagkolekta ng blood donations sa taunang Blood Olympics, na nakatakdang idaos sa darating na buwan ng Nobyembre.

Inaasahan ng konseho na, sa kabila ng nararanasang pandemya, marami pa rin ang makiisa sa programa, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Naging bahagi ng naturang meeting sina Batangas Province-wide Nurse Coordinator, Ms. Miner Pelagio, ng Provincial Health Office; Regional Blood Donor Recruitment Officer, Mr. Paul Vincent Santos, at Regional Coordinator for Batangas Province, Mr. Von Endozo, ng Department of Health – Region IVA Center for Health Development; at Chief Clerk of Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) – Philippine National Police Batangas, Police Executive Master Sergeant Manuela Cueto.

Tampok na pinagtalakayan ang magiging target na lugar kung saan isasagawa ang nasabing blood-letting activity at inaasahang mga donors na boluntaryong magbibigay ng kanilang dugo.

Ayon sa Batangas Blood Council, mahalaga na masusing malaman ang pagdadausan o venue ng proyekto bilang pagsasaalang-alang na rin sa pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols, tulad ng pagkakaroon ng physical distancing, pagtiyak na ang lahat ay nakasuot ng face mask at face shield, at ang paglalagay ng designated area kung saan makakapag-hugas ng kamay ang bawat isa.

Bukod pa rito, ipinarating din ng mga miyembro ng konseho na bagaman may kasalukuyang panganib o banta sa kalusugan bunsod ng COVID-19 pandemic, minarapat pa rin anila na magsagawa ng ganitong aktibidad sapagkat mahalaga umano na makatulong at magkaroon ng karagdagang supply ng dugo para sa mga Batangueño na mangangailangan nito.

Millicent Ramos – Batangas PIO Capitol / Photos: Miner Pelagio

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.