Pagpupulong Ng Mga Miyembro Ng Batangas Officers Association (Batoa)

Anti-Rabies Vaccination Idinaos sa Iba’t ibang Lugar sa Batangas
January 24, 2018
Bantayog – Wika Ng Komisyon Ng Wikang Filipino, Itatayo Sa Batangas Capitol
January 24, 2018

January 24, 2018

Sa pagsisimula ng taon, isang pagpupulong ang isinagawa ng Batangas Officers Association (BaTOA) noong ika-24 ng Enero, 2018 sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), Capitol Compound, Batangas City.

Layon nito na magbalik-tanaw sa mga programa at proyektong natapos noong 2017 at muling makapagplano ng mga bagong aktibidad na maaaring maisakatuparan sa kasalukuyang taon.

Upang mas mapadami pa ang mga turistang dumarayo, layunin din nito na makagawa ng mga proyekto na mas lalong magpapaganda at magpapakilala sa mga natatagong yaman ng Probinsya ng Batangas sa iba’t ibang panig ng Pilipinas maging sa ibang bansa.

Inilahad ng PTCAO ang parsyal na bilang ng mga turista na nagpunta sa Lalawigan ng Batangas nitong nakaraang taon bilang bahagi ng mga natapos na programa at proyekto.

Tinatayang nasa humigit kumulang 6 milyon ang bumisita sa iba’t ibang bayan ng Batangas partikular sa Sto. Tomas na kung saan aabot sa 4 milyon turista ang pumunta sa Malvar Shrine, Padre Pio Church, Sipit Trail at Mt. Malepunyo.

Samantala nasa 1 milyon naman ang bilang ng mga turistang tumigil sa iba’t ibang hotel at resort upang magpalipas ng gabi.

Karamihan sa mga turista ay pumunta sa bayan ng Nasugbu na may tinatayang 200,000 na bisita sa buong taon.  Ma. Cecilei C. De Castro & Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.