Pagpupulong ng Batangas Marine Protected Area at Bantay Dagat Network, Isinagawa sa Bayan ng Balayan

Pagsasanay sa DRRM at First Aid, Isinagawa
July 8, 2022
Supplemental APP for the month of April to May 2022
July 11, 2022

July 10, 2022

Nagsama-sama kamakailan ang mga Officers at miyembro ng Batangas Marine Protected Area and Bantay Dagat Network (BMPAN at BBDN) para sa isang regular na pagpupulong na ginanap sa Balayan Government Center, Balayan, Batangas.

Ito ay dinaluhan ng mga MPA Lead Persons at Bantay Dagat Coordinators mula sa mga bayan at lungsod ng Balayan, Bauan, Calaca, Calatagan, Lemery, Lian, Lobo, Mabini, Nasugbu, San Juan, San Luis, San Pascual, Taal, Tingloy at Batangas City Bantay Dagat chairpersons, Focal Persons ng mga national government agencies at non-government organizations.

Nakadaupang-palad ni Honorable Emmanuel Salvador P. Fronda II, Punongbayan ng Balayan, ang mga miyembro ng BMPAN at BBDN at nagbigay ng isang makabuluhang mensahe sa lahat. Masaya rin niyang ipinagmalaki ang kanilang bagong gusali para sa mas komportable at maaliwalas na pagbibigay serbisyo para sa mga mamamayan at pagtanggap ng mga panauhin para sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Balayan.

Inilahad sa nasabing pagpupulong ang mga naging programa at gawain ng BMPAN at BBDN sa nakalipas na buwan ng Enero hanggang Hunyo 2022, na may kaugnayan sa pamamahala ng mga MPAs, pagpapatrolya at pagpoprotekta ng mga Bantay Dagat kaagapay ang mga enforcement agencies laban sa mga iligal, at mapaminsalang mga gawain sa karagatan.

Masinsinan ding tinalakay ang iba pang mga susunod na gawain tulad ng paghahanda ng isang panlalawigang ordinansa para sa pagpapatuloy ng pagpapatupad ng “closed season” o pamamahinga ng mga Look ng Lalawigan ng Batangas, pagbubuo ng isang Strategic Management Plan para sa BMPAN at BBDN, patuloy na paghahanda para sa pag-momonitor at pagtatanggal ng mga Crown-of-Thorns Starfish o Taeng Kalabaw sa mga MPAs, paghahanda para sa pag-u-update ng mga individual MPA Management Plans, at paghahanda para sa pagpapatuloy ng delineation ng mga tubig munisipal para sa mga bayan ng San Pascual, Bauan, San Luis, Taal, Lemery, Calaca, Balayan, Calatagan, Lian at Batangas City.

Aktibong nakaiisa sa nasabing pagpupulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office, na sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, ay tuloy-tuloy ang iba’t-ibang inisyatibo upang mapanatili ang maayos at masaganang karagatan, at malinis at luntiang kapaligiran sa buong lalawigan, maging sa panahon ng pandemya.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.